^

PSN Opinyon

Kailangan ng Saudi ang OFWS

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

KAILANGAN ng Kingdom of Saudi Arabia ang overseas Filipino workers (OFWs) sa pag-andar ng kanilang ekonomiya. Ito ang binigyang-diin ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa harap ng implementasyon ng “saudization” o pag-prioritize sa Saudi nationals sa mga available job, at “freeze hiring” sa mga Filipino domestic worker bunsod umano ng paggigiit ng Pilipinas sa dagdag na pasahod, benepisyo at proteksiyon sa mga ito.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, hindi awtomatikong maaapektuhan ang mahigit 1.5 milyong OFWs sa Saudi, gayundin ang iba pang Pilipino na nais magtrabaho sa nasabing bansa. Aniya, mula pa noon hanggang ngayon, at sa mga susunod pang mga taon, malaking bahagi ng pag-unlad ng Saudi ang mga Pilipino.

Mismong mga opisyal ng Saudi government aniya ang nagsabing higit pa nilang kakailanganin ang foreign workers laluna sa kanilang malalaking proyektong pang­kaunlaran, partikular sa malawakang konstruksiyon ng mga mega-city sa 2014 kung saan ay mangangailangan sila ng daang libong manggagawa.

Ayon sa aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, kailangang asikasuhin ang pagpapataas pa ng skills at iba pang kuwalipikasyon ng mga OFW. Ito aniya ang paraan upang manatiling top priority ang mga Pilipino sa pag-hire ng Saudi at iba pang bansa.

* * *

Binabati ko sina Director Nicon Fameronag ng DoLE Labor Communication Office, Rep. Baby Alin Vargas-Alfonso (Cagayan Valley, 2nd District), Mr. Apol Alvarez ng DoLE-ILAB; PAG-IBIG Vice President Ms. Elaine Go-Mapa; Sun Cellular Assistant Vice President Edith Gomez at PAGCOR Assistant Vice President Maricar Bautista. Belated birthday greetings kay PLDT Chairman Manny Pa­ngilinan.

ASSISTANT VICE PRESIDENT MARICAR BAUTISTA

AYON

BABY ALIN VARGAS-ALFONSO

CAGAYAN VALLEY

CHAIRMAN MANNY PA

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DIRECTOR NICON FAMERONAG

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with