“Magandang araw po Dr. Elicano. Ibig ko pong malaman kung ano ang dahilan ng pagsakit ng likod. Madalas pong sumakit ang aking likod. Ako po ay 50-taong gulang at nagtatrabaho sa isang government agency. Minsan po, hindi ako makabangon dahil sa sobrang sakit ng likod. Payuhan n’yo po ako sa nararanasang ito.” —MARCELINO M. TUPAZ, Malinta, Valenzuela
Maraming dahilan kung bakit nananakit ang likod. Baka may pinsala ang iyong spinal discs, masyadong pressure ang nerves, may misalignment o namamaga ang mga kasu-kasuan. Dahilan din ang masamang postura sa pag-upo, higaan o kamang hindi maganda ang suporta sa katawan, pagbubuhat ng mga mabibigat. Kung babae, ang pagbubuntis ay isa sa dahilan.
Healthy diet ang isa sa mahusay na paraan para lubusang maiwasan ang pananakit ng likod. Kailangang siguraduhin na ang inyong diet ay kinapalolooban ng lahat nang nutrients na mahalaga para maging malusog ang mga buto.
Kapag malusog ang mga buto, mababawasan ang panganib na sumakit ang likod. Ang protein ay nakatutulong para bumuo ng malakas na muscle tissue. Ang Vitamin B particular ang Niacin ang nagpapatibay at nagno-nourish sa nerve tissues.
Mahusay na pinagkukunan ng Niacin ang atay, sardinas, mackerel at salmon para magkaroon ng malusog at matibay na buto.