Sa mga isinilang nu'ng 1930-1979
PAG-IISIPIN ka ni komikerong Jay Leno, sa artikulo niyang handog “Sa mga Bata na Nakaligtas nu’ng De-kada-’30, -’40, -’50, -’60, -’70”:
“Una, isinilang tayo ng mga ina na naninigarilyo at umiinom nang buntis; nag-a-aspirin, kumakain ng blue cheese dressing at isda mula sa lata, at hindi na-test sa diabetes. Matapos natin danasin ‘yan, pinatutulog tayo nang nakadapa sa baby cribs na makulay sa pinturang puro lead. Wala noo’ng childproof na takip ng botelya ng gamot, o lock sa pinto at tukador. Kung magbisikleta tayo naka-cap lang, hindi helmet.
“Nu’ng sanggol at bata, isinasakay tayo sa kotseng walang seatbelt o airbag, pudpod ang gulong o preno. Happening na natin ang sumakay sa likod ng pickup truck miski umuulan. Umiinom tayo ng tubig mula sa garden hose, hindi sa bote. Nagsasalu-salo ang magkakalaro sa iisang bote ng softdrink, pero walang nagkakasakit. Mahilig tayo sa kakanin, mamantika at matamis, pero hindi tayo overweight. Kasi parati tayo nasa labas — naglalaro. Umaalis tayo sa bahay sa umaga para maglaro buong araw, at umuuwi bago magdilim. Hindi tayo matawagan nino man; wala namang masamang nangyayari sa atin.
“Wala tayong PlayStation, Nintendo o X-Box; walang videogames o 150 cable channels, DVD o surround-sound. Walang cell phones o PC, Internet o chat rooms. Ang meron tayo -- mga kaibigan. Nalalaglag tayo sa puno, nagagalusan, nabubungian, nababalian. Sumusubo tayo ng uod at damo sa lutu-lutuan. Hindi tayo bine-bailout ng magulang kung suwayin ang batas: Kinakampihan nila ang batas.
“Sa henerasyong ito nagmula ang maraming mati-tinding imbentor at tagalutas ng problema. Maraming pagbabago at ideyang umusbong sa nakaraang 50 taon. Nakasalba tayo ... sa pag-aalaga ng Diyos.”
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest
- Trending