Si P.Noy at mga kakasuhan
MAGANDA ang determination o ang dream ni P.Noy na totohanin ang promise nito last Presidential election na pagbayarin ang mga dating official ni GMA sa sinasabing mga tiwaling nagawa tulad ng P728 million fertilizer fund scam.
Gusto ni P.Noy na baguhin ang justice system sa Philippines my Philippines na minsan daw naging bulag sa maling gawain ng mga taong malalakas at maimpluwensiya sa nakalipas na administration.
Very important sa madlang people na maibigay ang hustisya sa kanila na nalagay ang interes at kagalingan sa sandamukal na alegasyon ng katiwalian ng administrasyong Arroyo.
Sa katunayan, mahigpit ang pagbabantay ng pamahalaan sa pagbuo ng mga kaso ng kinauukulang mga ahensiya ng pamahalaan, lalung-lalo na ang Office of the Ombudsman laban kay GMA et al.
Korek as in tumpak si P.Noy, na igiit ang kahalagahan na maibalik ang huminang pagtitiwala ng publiko sa mga institusyon sa Philippines my Philippines at tiyaking hindi pa pabor ang konstitusyunal na mga tanggapan sa mga malalakas at maimpluwensiya.
Hindi tayo mabibigo, siguradong isusulong ng pamahalaang Aquino ang hustisya para sa lahat sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga kasong ibinase sa ebidensiya at hindi sa tsismis.
Kaya naman sa parte ng ilang kongresista may panibagong kasong plunder at malversation of public funds ang isasampa ng grupong Bayan Muna laban kay GMA tungkol ito sa anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Sabi nga, sa Office of the Ombudsman isasampal este mali isasampa pala ang case problem.
Ito daw ay dahil sa sinasabing series ng pakikialam ni GMA at illegal na divertion of funds ng PCSO sa Intelligence funds.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
May sulat daw si dating PCSO General Manager Rosario Uriarte sa pagdinig ng Senado regarding sa Intel funds na P150 million pondo.
Totoo kaya ito?
Abangan, ang giyera patani vs. GMA? Hehehe!
- Latest
- Trending