P-Noy makialam sana sa usaping Luisita
NU’NG Agosto sa anibersaryo ng pagpaslang sa amang Ninoy at muli nitong Hunyo sa Independence Day, iisa ang panawagan ni Presidente Noynoy Aquino. Aniya magsakripisyo sana ang mga Pilipino alang-alang sa Inang Bayan. Sa aking palagay, matutupad ito sa pamamagitan ng personal na ehemplo ang pinaka-matin-ding panghikayat. At walang hihigit pang ehemplo kaysa pamamahagi ng 6,500-ektaryang Hacienda Luisita sa 10,500 kasama, mula sa angkang Cojuangco ni P-Noy.
Isa sa pinaka-matagal nang nagpapagulo sa Pilipinas ang usaping agraryo. Isa ito sa nagbunsod ng himagsikan laban sa Kastila, at ito rin ang nag-uudyok hangga ngayon sa 80-taon nang rebelyong Komunismo. Ang kalutasan dito ay pamamahagi ng lupa para sa mga walang lupa. Inadhika ni Ninoy Aquino ang repormang agraryo, at isinulong din ng asawang Presidente Cory, nanay ni P-Noy. Sakop nito ang Hacienda Luisita, na napakalaki para sa iisang pamilya lamang.
Sa kabilang dako, bihira lang na pagkalooban ng isang lahi ang iisang pamilya ng pagkakataon na mag-alay ng mahigit isang miyembro bilang Presidente. Una ito nangyari sa pamilyang Macapagal, na may Diosdado na buhat sa lahing magsasaka, at Gloria M. Arroyo na tila sumira sa ngalan nila dahil sa kade-kadenang anomalya sa Panguluhan. Pangalawa ito nangyari sa angkang Cojuangco: Na unang inialay si Cory at nga-yon si P-Noy para pamunuan ang lahing Pilipino. Mga propesyonal lahat ng Cojuangco na nasa edad; walang magugutom sa kanila kung ipamahagi nila, sa bunsod ni P-Noy, ang Luisita. Sa halip, mapapakita nila na may pag-asa pa pala magbago ang kaawa-awang bansang Pilipinas.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest
- Trending