^

PSN Opinyon

Sexy billboards distraction sa kalye

- Al G. Pedroche -

DAPAT lang tanggalin ang mga billboards na nagpapakita ng mga lalaki at babaeng naka-briefs, panty at bra lang na nakabuyangyang sa mga pambansang lan­ sangan pati na sa mga superhighways.

May mga pumapalag sa pagtanggal ng mga ito sa gilid ng mga pangunahing lansangan. Mayroon isang lantad na bading na tinanong sa telebisyon kung bakit ayaw niyang mawala ang mga ito sa kalsada. Sabi niya “naaaliw” daw siya. May nagsasabi naman na nasa mata lang ng ibang taong may malisyosong isip ang kalaswaan. “Artistic” daw ito.

Siguro hindi nari-realize ng mga ito na ang ganyang mga dambuhalang retrato ng mga guwapong lalaki at seksing babae na naka briefs, bra at panty ay posibleng maging dahilan ng sakuna sa kalye.

Kamakailan ay may malaking billboard sa Balintawak na tinutumbok ng NLEX southband na nagpapakita sa sikat na aktor na si Jake Cuenca at Lovey Poe na naka-briefs, bra at panty. Sobrang suggestive. Nakatayo ang lalaki at nakaupo naman ang babae na halos sumalpok ang harapan ng lalaki sa mukha ng babae. Salamat wala na ito ngayon at sana’y huwag nang ibalik pa o palitan pa ng ibang ganyan ka-graphic.

Buti naman at isang showbiz person na ngayo’y Senador ang umayon na dapat talagang alisin ang mga billboards na ito.

Pabor na pabor si Senator Ramon Bong Revilla sa ginawa ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos na pagpapatanggal sa billboard ng mga miyembro ng rugby team ng Pilipinas na “The Volcanoes” na pawang naka briefs lang.

Aniya, nagpakita lang ng political will si Abalos lalo pa’t marami na rin naman umanong nagreklamo laban sa billboards na nagiging sanhi rin ng pagbagal ng trapiko sa EDSA. Aba, hindi lang pagbagal kundi ng ilang aksidente.

Kung tutuusin, dapat magkaroon ng ordinansa ang MMDA para ibawal ang ganyang uri ng mga billboards sa daan. Nawawala ang konsentrasyon ng ibang motorista at maaa-ring maging dahilan ng mga malulubhang aksidente.

At yung mga mahilig makakita ng mga ganyang larawang bordering on pornography, bakit hindi na lang sila magbasa ng magazine? Huwag nang idamay pa ang ibang motorista at pedestrians sa mga pampublikong lugar.

ABALOS

ANIYA

BALINTAWAK

BUTI

JAKE CUENCA

LANG

LOVEY POE

MANDALUYONG MAYOR BENHUR ABALOS

SENATOR RAMON BONG REVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with