Suertres bookies sa CDO

BILIB ang mga kuwago ng ORA MISMO, ng i-bida ng mga asset nito na lantaran ang 'suertres' bookies sa Cagayan de Oro City, dahil araw-araw itong pinipilahan ng mga mananaya sa iba't ibang lugar sa nasabing province.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ayaw gumalaw o nagbubulag-bulagan ang mga tauhan ng Philippine National Police na nakatalaga dito dahil ayaw nilang kumilos para hulihin ang 'suertres' bookies.

Ano kaya ang masasabi ng pamunuan ng PNP sa nasabing lugar?

Sagot - wala!

Bakit?

Ibinabase ng mga mananaya ang tatlong nanalong number combination sa dyaryo na lumalabas ng kinabukasan matapos silang tumaya sa bookies.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, million of pesos everyday ang nakukuha ng mga gambling lord sa mga mananaya sa 'suertres' bookies.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, 52 percent sa bangka at 48 percent sa management ang tema ng kanilang biyakan sa nakolektang taya.

Ibinigay ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga pangalan, lugar at estimated daily gross o taya sa 'suertres' bookies everyday.

Ito ay sina alyas Lim at alam mo, sa Carmen, P500,000 daily ang kita, Mandy, sa Buluan, P300,000 hanggang P400,000 daily kita, Edwin sa Lapasan, P500,000 daily income, Reynald sa Bogo P400,000 daily, Meo, sa Cogon P500,000 daily kita, Gerry 'pay', sa Kauswagan, P300,000 daily kita, Nestor sa Macabalan, P400,000 daily kita, isang alyas Mercury, Manong na may pataya sa tinagurian 'Divisoria' ng CDO na malapit sa isang kolehiyo at isang alyas Patana na may 'suertres' bookies hindi lang sa Cagayan de Oro City kundi maging sa Bukidnon.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang bigtime sa mga ito ay sinasabing sina alyas Lim at alam mo, Patana, Manong at si Mercury.

Nagtataka ang mga kuwago ng mga ORA MISMO, kung bakit walang aksyon ang mga nagpapatupad ng batas sa mga gambling lord sa itaas.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang maglakas loob na humuli sa mga gambling lord kahit lantaran ang gambling operations nila sa Cagayan de Oro City.

Bakit kaya?

Kamote, yan ang pasagot mo sa mga pulis.

'Hindi kaya alam ni Mayor Emano na grabe as in te­rible ang 'suertres' bookies sa jurisdiction niya?' Tanong ng kuwagong kubrador ng jueteng.

'Tulog kaya ito kaya hindi pa niya alam?' tanong naman ng kuwago ng urot.

'Sino ba itong mataas daw na opisyal sa CDO na madalas ka mahjong nina alyas Lim at alam mo?'

'Pinababayaan na lang daw ng opisyal ang kanyang kamadyungan'.

Bakit?

'Siya din ang nagbibigay ng puhunan dito' Hehehe!

Abangan.

Show comments