MGA totoong sinabi ito sa korte, ni-record ng stenographers, inulat ng mga mamamahayag, at isina-libro kamakailan:
Attorney: Itong myasthenia, nakaka-apekto ba sa iyong memorya?
Witness: Opo.
Attorney: Papano ito nakaka-apekto ang iyong memorya?
Witness: Nakakalimot po ako.
Attorney: Magbigay ka nga ng ehemplo ng mga nalimutan mo?
* * *
A: Doctor, hindi ba’t kapag namatay ang isang nilalang habang natutulog, hindi niya ito mababatid hanggang kinaumagahan?
W: Pumasa po ba talaga kayo sa bar exam?
* * *
A: Naroon ka ba nang kinunan ang litrato mo’ng ito?
W: Niloloko niyo po ba ako?
* * *
A: Tatlo ang anak niya, tama ba?
W: Opo.
A: Ilan ang lalaki?
W: Wala po.
A: Meron ba’ng mga babae?
W: Your Honor, maari po ba ako magpalit ng attorney?
* * *
A: Papano na-terminate ang una ninyong kasal?
W: Sa pagkamatay po.
A: At sa kaninong pagkamatay kaya ito na-terminate?
W: Hulaan niyo.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@workmail.com