^

PSN Opinyon

Pawang katotohanan, katatawanan sa korte

SAPOL - Jarius Bondoc -

MGA totoong sinabi ito sa korte, ni-record ng stenogra­phers, inulat ng mga mamamahayag, at isina-libro kamakailan:

Attorney: Itong myasthenia, nakaka-apekto ba sa iyong memorya?

Witness: Opo.

Attorney: Papano ito nakaka-apekto ang iyong memorya?

Witness: Nakakalimot po ako.

Attorney: Magbigay ka nga ng ehemplo ng mga nalimutan mo?

* * *

A: Doctor, hindi ba’t kapag namatay ang isang nilalang habang natutulog, hindi niya ito mababatid hanggang kinaumagahan?

W: Pumasa po ba talaga kayo sa bar exam?

* * *

A: Naroon ka ba nang kinunan ang litrato mo’ng ito?

W: Niloloko niyo po ba ako?

* * *

A: Tatlo ang anak niya, tama ba?

W: Opo.

A: Ilan ang lalaki?

W: Wala po.

A: Meron ba’ng mga babae?

W: Your Honor, maari po ba ako magpalit ng attorney?

* * *

A: Papano na-terminate ang una ninyong kasal?

W: Sa pagkamatay po.

A: At sa kaninong pagkamatay kaya ito na-terminate?

W: Hulaan niyo.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

HULAAN

ILAN

ITONG

MAGBIGAY

MAKINIG

MERON

OPO

PAPANO

YOUR HONOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with