Magandang proyekto ni Gen. Calungsud
MAPAPALAPIT ang gobyerno natin sa sambayanan doon sa Visayas dahil sa proyekto na SMS Reporting System ni DIPO Visayas director Chief Supt. Jaime Calungsud. Meron na kasing halos 60 milyon na Pinoy ang gumagamit ng cell phone at nais ni Calungsud na magamit ito para madaliang makapag-report ang sambayanan lalo na sa aspeto ng kriminalidad. Itong SMS reporting kasi ang pinakamabilis at pinakamurang pamamaraan para magpadala ng reklamo o feedback ang sambayanan hindi lang sa pulisya kundi maging sa Armed Forces of the Philippines (AFP) natin. TIniyak ni Calungsud na magiging epektibo ang programang ito bunga sa 24/7 na me tao don sa DIPO Visayas para tumanggap sa mga reklamo o sumbong nga.
Inilunsad kamakailan ni Calungsud at MGen. Ralph Villanueva ang DIPO VIsayas/CENTCOM SMS repor-ting system sa Dumaguete City. Nagkaroon muna ng Bike for Peace Advocacy kung saan si Calungsud ay nanguna sa pagpamudmod ng mga SMS Volunteers ID sa mga residente. Nandoon din sa okasyon sina Dumaguete Mayor Manuel Sagarbarria, MGen. Manny Bautista ng Army’s 3rd Division, Dir. George Piano ng PNP directorate for Logistics, CSupt. Ager Ontog ng PRO7 at Sr. Supt. Rey Lawas, ang provincial director ng Dumaguete.
Sinabi naman ni Bautista na hindi lang mapalapit ang sambayanan sa pulisya at sundalo kundi maisulong pa nito ang ibayong pakikipagtulungan ng mga puwersa ng gobyerno laban sa kriminalidad, counter-insurgency operations, at iba pa. “This SMS Reporting System, aside from bringing the people closer to both the AFP and PNP, will also provide our commanders on the ground with a popular advocacy and technological tool to better manage our resources at all levels. The system would definitely fill the gap in the existing communication infrastructures of both the AFP and the PNP units in the area,” ani Calungsud. DIPO Visayas is also tasked to ensure the promotion of regional socio-economic deve-lopment in the area, dagdag pa ni Calungsud.
Sinabi ni Calungsud na puwede ng gamitin ng mga residente ang SMS reporting system habang ikinakalat pa nila ang mga IDs at leaflets ukol sa tamang paggamit nito.
Natuwa naman si Mayor Sagarbarria at sa Duma- guete ang naging launching pad ng proyekto. Tiniyak ni Sagarbarria na ang proyekto ay makakatulong para lalong maibaba ang crime rate ng siyudad niya. Nagpasalamat din si Mayor Sagarbarria ke Dir. Piano at iba pang opisyales ng PNP sa donasyon nilang patrol car at 10 mountain bikes. Sana magtagumpay ang proyekto na isinusulong ni Calungsud sa Visayas. Abangan!
- Latest
- Trending