^

PSN Opinyon

'Baluktot na daan' ni Decano ng NPD

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

HINDI ang “matuwid na daan” ang nasa isipan ni Chief Supt. Antonio Decano nang hirangin siyang hepe ng Northern Police District (NPD). Ang “matuwid na daan” ang battlecry ni President Noynoy Aquino kaya ang lahat ng kanyang Gabinete at napiling opisyal ay dapat sundin ito. Pero sa nangyayari sa ngayon sa CaMaNaVa, mukhang taliwas ang gustong gawin ni Decano. Gusto ni Decano na talikdan ang “matuwid na daan” ni P-Noy at punuin ang bulsa niya ng pitsa. Kasi nga, kinuha ni Decano ang serbisyo ni PO3 Rodolfo “Jojo” Cruz Jr. bilang tong kolektor at hayun nagkagulo ang tabakuhan sa CaMaNaVa.

Si Cruz ay naka-assign sa District Special Operations Unit (DSOU) sa pamumuno ng bagman ni Decano na si Chief Insp. Crisostomo Lleva. Ang DSOU ang inatasan ni Decano na maging berdugo para makamtan ang ambisyon niya na maging milyonaryo. Hindi kasi kuntento si Decano sa naratnan na grasya sa CaMaNaVa kaya si Cruz ang napiling taga-kalampag ng mga ilegalista. Kaya sa kagustuhang may matira rin sa kanya, nakaisip ng diskarte si Cruz at pinadoble ang lingguhang intelihensiya ng gambling at bold show operators. 

Halimbawa ay ang pamamayagpag ng mga night club sa Caloocan City. Karamihan sa naturang istablisimento ay may mga menor-de-edad na kababaihan na ayon sa aking mga espiya galing pa sa mga probinsya na ipinati-table at pinati-take home sa mga customer. Imbes na public service, bulsa service ang isinusulong ni Decano sa CaMaNaVa. Malayo sa matuwid na daan ni P-Noy.

At para maka-menos sa staff officers niya, gusto ni Decano na suwelduhan na lang sila. Ang ibig kong sabihin ang intelligence division na dapat may pangil laban sa illegal gambling ay suwelduhan na lang, kasama ang mga deputy ng CaMaNaVa. Kapag suwelduhan, makaka-menos si Decano at siyempre ang sosobra ay diretso sa kanyang bulsa. ‘Yan ang pagkaintindi ni Decano sa “matuwid na daan” ni P-Noy.

Habang abala si Decano sa pangungulimbat ni Cruz, may kumakalat naman na balita na may opisyal sa CaMaNaVa na kumikilos para palitan siya. Kaya kapag kumalat ang pangungulimbat ni Cruz para mapuno ang bulsa ni Decano, tiyak may opisyal na natutuwa dahil mapapadali ang pagsibak sa kanya. Sino siya? Abangan!

ANTONIO DECANO

CALOOCAN CITY

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

CRISOSTOMO LLEVA

CRUZ

CRUZ JR.

DECANO

DISTRICT SPECIAL OPERATIONS UNIT

P-NOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with