Organized crime tututukan ni Ochoa

CONGRATS kay Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. Isa na siyang anti-crime czar bilang Presidential Anti-Organize­d Crime Commission (PAOCC) chairman. Organi­sadong krimen ang numero unong banta sa ekonomiya at pambansang seguridad. Ayon kay Ochoa, masusugpo ito kung akma, malinaw, at magkakaugnay ang mga polisiya ng pamahalaan.

Aniya, sa Executive Order 46, pinatindi ni Presidente Aquino ang PAOCC. Pinagsama ang pondo at kasanayan ng mga law enforcement agencies upang lumikha ng matatag na polisiya laban sa mga organisadong krimen. Matitindi ang mga kriminal ngayon. Ang mga carjackers ay hindi kuntento sa pagnanakaw ng kotse. Pinapatay pa ang inaagawan. Kaya isang malakas at determinadong aksyon ang dapat itugon sa mga hinayupak na kriminal. Wika nga ni Ochoa “resolute action.”

Heto ang inilatag na action plan ni “Topakitz”:

*Rationalization ng mga programa kontra krimen para maging matipid ang gastusin ng pamahalaan;

*Pagkakaroon ng central base crime index na mag-iisa sa mga datos sa krimen at para mabatid ang pondong ilalaan;

*Dagdag na ngipin sa mga batas tulad ng Anti-Money Laundering Act upang mabilis maipakulong ang mga elementong kriminal;

*Pakikipag-ugnayan at pakikipagbahagi ng mga kaalaman at pondo sa Anti-Terrorism Council at Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) na parehong nasa ilalim ng superbisyon ng Office of the Executive Secretary;

 *Pagpaparami sa naipapakulong na mga kriminal;

*Pag-atas sa special envoy on transnational crime na maging regular ang liai­son work at pakikipagbahagi ng impormasyon sa ibang bansa;

 *Pagpapalakas sa Witness Protection program;

*Pagtutok sa mga pagpatay sa mga mamamaha­yag at aktibistang politikal;

*Ibayong pagsasanay ng pulisya sa tamang pro­sesong legal at itaas ang pamantayan ng pagganap sa tungkulin; at

*Pagkawingin ang lahat ng CCTV systems sa Metro Manila.

Aprub iyan. Dapat ser­yo­sohin at makiisa ang lahat ng sector ng lipunan upang maging epektibo.

Show comments