^

PSN Opinyon

DOJ - Department of Jeopardy?

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

DOUBLE Jeopardy. Isa sa mga prinsipyong haligi ng ating criminal justice system. Matagal na itong kontro-bersyal subalit tanggap naman ng mayorya na kritikal ito sa isang maayos na lipunan. Sa ibang bansa, ang double jeopardy ay isang ordinaryong batas lang. Dito sa Pilipinas ang right against double jeopardy ay karapatang nakasaad mismo sa Saligang Batas.

Ang double jeopardy ay nagbabawal na maulit ang prosekusyon ng isang taong nahatulan na sa isang kasong kriminal. Sa Pranses, Autrefois Acquit (previously acquitted). Kapag ang isang tao ay dumaan na sa mahigpit na proseso ng paglilitis na kriminal, hinarap ang buong lakas at puwersa ng pamahalaan na sumubok na patunayan na siya’y nagkasala, at pinawalang sala nga ng lahat ng hukuman hanggang sa sukdulang Supreme Court, nasa interes ng lipunan na ito’y hindi na muli panagutin sa anumang kaso na maaring ihango sa mga pangyayari. Sa kanyang pinagdaanan ay isinapalaran na niya ang kanyang kalayaan – sa Ingles, “he was already put in jeopardy of being convicted.” Matapos ang dinaanang kalbaryo ng akusado, pinapayagan ng Double Jeopardy rule na siya at ang kanyang pamilya ay malayang mabuhay nang hindi na minomolestiya ng lipunan.

Tanggap ng batas na may mga pagkakataon na may mahanap na bagong ebidensiya (lalo na sa panahon ngayon ng DNA evidence) na maaring ikabago ng resulta. Subalit tinimbang ito sa mas mataas na interes ng lipunan na: (1) ang pinal na hatol ng mga hukuman ay respetuhin; (2) hindi magpabaya ang mga law enforcement agencies sa kanilang imbestigasyon; at (3) maiwasan ang abuso ng kapangyarihan. Makatwiran lang at makatarungan na tanggapin ng lipunan ang ganitong patakaran, kahit pa natawag na itong isang butas o teknikalidad ng batas.

Maaring kontrahin ito ng argumento na tila pinapaboran ng batas ang katarungan kaysa sa katotohanan. Maaring ganoon nga. Wala namang nahahanap pang mas magandang balanse sa pagitan ng kapangyarihan ng Estado at ng karapatan ng indibi-d­wal. Kapag walang ganitong patakaran, makokompromiso ang kumpyansa ng publiko sa ating criminal justice system at masyado tayong ma-expose sa pulitika – kwidaw ang hindi KKK.

Ano ang implikasyon   ng press conference ni Justice Secretary Leila de Lima tungkol kay Mr. Hubert Webb sa usa-ping double jeopardy?

Abangan ang susunod na kabanata…

ABANGAN

AUTREFOIS ACQUIT

DOUBLE JEOPARDY

JEOPARDY

JUSTICE SECRETARY LEILA

KAPAG

MR. HUBERT WEBB

SA PRANSES

SALIGANG BATAS

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with