^

PSN Opinyon

'Tumitinding Text Scam!'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

HANGGANG ngayon, matunog pa rin ang modus ng TEXT SCAM na bumiktima na ng libo-libong texters sa bansa. Sa kabila ng kabi-kabilang babala, anunsiyo at programa laban sa TEXT SCAM, patuloy ang pagtaas ng bilang ng nabibiktima. Kung tutuusin, walang pinagbago ang nasabing modus mula noong taong 2000 nang magsimula ang texting sa bansa hanggang sa kasalukuyan. Parehong estilo, makakatanggap ng text ang isang subscriber mula sa isang di kilalang number.

Nagpapanggap na opisyales o attorney umano ng isang kilalang ahensiya ng gobyerno. Napili raw ang inyong numero na kayo ay nanalo ng limpak-limpak o daang libong piso sa kanilang isinagawang electronic draw. Isa itong kasinungalingan, PANLOLOKO! Marami ang nahuhulog sa “mababaw” na patibong na ito.

Bago mo kasi makuha ang premyo, kailangan daw na magpadala ng prepaid cards. Kapag nasarapan pa sa panloloko ang suspek na nasa likod ng TEXT SCAM, hihingi pa ito ng libong pisong halaga na processing fee sa biktima. Dito, nagiging kasangkapan sa panloloko ang mga remittance center kapag nagpadala ng pera ang biktima. Kaya sa huli ang laging eksena, walang nabi-bitag na suspek ng TEXT SCAM.

Bukod sa wala pang nananagot sa batas na nasa likod ng TEXT SCAM, may isa pang nakakalungkot na katotohan sa modus na ito. Resulta na lamang ng problema ang pagkakaloko sa mga biktima. Ang dahilan ng panlolokong ito, kagustuhan ng mga biktimang magkapera sa isang iglap lamang. Makuha lamang ang perang hindi naman pinagpaguran, gagawin ang lahat.

Kadalasan, umaabot pa na ibinibigay ng biktima ang lahat ng kaniyang personal na impormasyon. Pagkaka­taon naman ito sa mga hinayupak na text scammer na i-blackmail ang kanilang biktima upang sumunod ito sa kanilang hinihingi. Sa radar screen ng BITAG, pawang mga probinsiyano o ‘yung mga nakatira sa malala-yong lalawigan ang mga bagong nabibiktima ng modus na ito.

Kung ‘yung teknolohiya ng text messaging ay nakakaabot sa kasulok-sulukan ng Pilipinas, dapat ganoon din ang babala, anunsiyo at programa laban sa TEXT SCAM.

Naniniwala ang BITAG na malaki ang maitutulong ng mga Telecommunications Company na ipaabot sa kanilang mga subscriber ang babala sa modus na ito. Kung nagagawa nilang magpadala ng mga Value Added Services ng hindi inaasahan ninuman, hindi imposible ang mga anunsiyo laban sa TEXT SCAM.

BUKOD

DITO

ISA

KADALASAN

KAPAG

TELECOMMUNICATIONS COMPANY

TEXT

VALUE ADDED SERVICES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with