^

PSN Opinyon

Ang recent SWS at Pulse Asia surveys

- Al G. Pedroche -

USAP-USAPAN ang dalawang performance surveys kay Pangulong P-Noy na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia. Bahagyang bumagsak ang kanyang rating pero sa pangkalahatan, marami pa rin ang may kompiyansa sa kanyang liderato. Napupuna man ng taumbayan ang mabagal na progreso sa bansa, ang imahe ni P-Noy na “incorruptible” ay dahilan para manatili ang tiwala sa kanya ng mamamayan.

Sa pagbaba ng rating ng Pangulo nagbubunyi naman ang kanyang mga political detractors. Parang inaabangan ang tuluyang paglagabog niya. Sabi ko nga kamakailan, sa sandaling gumawa kahit bahagyang katiwalian ang Pangulo, una akong tutuligsa. Ngunit habang malinis ang ipinakikitang imahe ni P-Noy, dapat lang siyang suportahan dahil ang tagumpay niya ay para sa bawat Pilipino.

May dahilan ang bahagyang pagbaba sa rating ng Pangulo. Tumaas ang presyo ng petrolyo at walang kapasidad ang pamahalaan na pigilan ito. Nagkaroon din ng mga sunud-sunod na kalamidad na hindi mapipigilan. Hangga ngayon, wala pang masilip ang mga detractors ni P-Noy hinggil sa katiwaliang puwede niyang gawin.

Kung tutuusin, ang bagong +46 net satisfaction ra-ting ni Pangulong Aquino sa Hunyo 3 hanggang 6 na SWS survey mula +51 net satisfaction rating noong nakalipas na Marso at kanyang 71% trust at performance ratings mula sa Pulse Asia survey noong Mayo 21 hanggang Hunyo 4, 2011 mula sa 74% noong Marso ay mataas pa rin naman.

Nakikita natin na hindi tinatanggap ng publiko ang paninira ng mga political detractors ng Pangulo. Ang ka­ilangan natin ngayon, kung ibig nating umasenso ang bansa ay makipagtulungan ang lahat pati na ang oposisyon para mabilis na maisulong ang minimithing kaunlaran. Maging mapagmasid din at ilantad ang ano mang iregularidad hindi lamang sa panig ng Pangulo kundi ng mga taong katuwang niyang nagseserbisyo sa bayan.

Naniniwala akong sisikad muli ang survey ng Pangulo kapag nadama ng publiko ang implementasyon ng bagong mga proyektong pang-imprastraktura at iba pang serbisyo. Alam kong di madali ito pero makita lang ang pagsisikap ng administrasyon ay kuntento na ang taumbayan. Sana rin ay hindi maging “balat-sibuyas” ang adminis­trasyon sa mga lehitimong puna hindi lang ng mass media kundi ng mga mamamayan.

ALAM

HUNYO

MARSO

P-NOY

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG P-NOY

PULSE ASIA

SOCIAL WEATHER STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with