^

PSN Opinyon

'Wala akong alam'

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MAY anghang pa kaya ang mga sasabihin ni dating Presidential Anti- Organized Crime Task Force (PAOCTF) official na si Supt. Michael Ray Aquino hinggil sa Daccer/Corbito murder case? Sa palagay ko dadaan muna sa butas ng karayom ang prosecution at pamilya ni dating publicist Salvador “Bobby” Dacer at driver Emmanuel Corbito kung babasihan ko ang paunang katagang binitiwan ni Aquino nang dumating ito noong Linggo ng umaga sa Manila International Airport Terminal 2 mula sa US. Tinatayang may 300 NBI Agents ang nagbigay ng proteksyon kay Aquino mula sa pagbaba nito sa eroplano sa Centennial Terminal hanggang sa NBI head office sa may Ermita, Manila. Kaya pagbaba na pagbaba nito sa sasakyan ay agad sinagot ang media sa ambush interviews “ I was interviewed by the media 10 years ago and I categorically denied any knowledge of, and participation and involvement in, the alleged Dacer-Corbito case. That’s the truth and nothing has changed since then. Then and now, I still maintain my innocence.”

Ano kayang kahihinatnan ng Dacer-Corbito kung patu­loy na magmatigas si Aquino. Tiyak na malalaglag ang ra-ting ni De Lima kung mananahimik si Aquino. Ang masakit pa nito nagbitaw ng salita si Aquino na walang kinalaman sina dating pangulong Joseph “Erap” Estrada at da-ting PAOCTF chief na ngayon Senator Panfilo Lacson sa pagpaslang kina Dacer at Corbito. Kung sabagay bakas sa mukha at pangangatawan ni Aquino ang paghihirap ng kalooban. Nang dumating ito sa National Bureau of Investigation compound, nakita kong payat ito at mukhang tumanda. Dati kasi mga suki ay guwapo siya at macho pa. Hehehe! Kung sabagay ininda rin marahil ni Aquino ang disisyon ng US Supreme Court na ma-extradite siya matapos ang 10 taon pagtatago nito.

At ang isang magiging alalahanin ni Aquino ay ang kanyang siguridad habang nakakulong sa NBI detaintion cell. Subalit mukhang nakakita ng kakampi si Aqui-no dahil ang kanyang magiging kulungan sa ngayon ay ang inabandunang kulungan ni dating Mayor Andal Am­ pa­tuan na nasa ilalim ng panga-ngasiwa ng dati niyang boss. Kayat walang ikakatakot itong si Aquino habang na­kakulong siya sa NBI dahil nasa kamay na siya ni NBI director Magtanggol Gatdula. Ang ba­bantayan lamang niya ay kung sakaling kapusin ang kanyang abogado sa pag-apela sa korte ng Manila Regional Trial Court at mailipat siya sa Manila City Jail. Tiyak na manga­nganib ang kanyang buhay dahil kahit papano’y may mga nakakulong pa roon na siya ang may kagagawan. At habang nagpapahinga si Aquino sa NBI marami akong naririnig sa mga pulis ng Manila Police District. Ayon sa kanila mahihirapan na ang prosecution na maisulong pa ang Dacer-Corbito double murder cases dahil matagal na ito at walang matatag na witnesses na makapagturo sa mga utak o pumaslang.  Kung sabagay sa ngayon kasi tanging si Mancao na lang ang tumatayong witness subalit mukhang huminina na rin ito dahil sa masalimuot na usapin. Ngunit para sa pamilya nina Dacer at Corbito malaking bagay na itong pagbalik sa bansa ni Aquino dahil kahit papano ay may pag-asa silang makamtan ang hustisyang matagal ng ipagkait        sa kanila. Abangan!

AQUINO

CENTENNIAL TERMINAL

CORBITO

DACER

DACER-CORBITO

DE LIMA

EMMANUEL CORBITO

KUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with