Sec. sakit-ulo? E di pugutan
SAKIT ng ulo lang ang binibigay sa kanya ng tatlong di-pinangalanang taga-Gabinete, ani Pangulo Noynoy Aquino. Kung company CEO ako, tapos puro problema imbis na solusyon ang ibinibigay sa akin ng top managers, sisibakin ko sila agad. Kasi, pinasusuweldo sila para lutasin ang problema at pagkatapos ay mag-report sa akin, hindi ‘yung ako pa ang paglulutasin ng problema. Hindi ko uubusin ang oras ko bilang CEO sa pag-aayos ng departments nila. Gan’un din sa pagpapatakbo ng Ehekutibo. Pugutan na dapat ni P-Noy ang mga mahinang Kalihim.
Kanya-kanyang estilo ang mga Presidente sa pagpapatakbo ng Gabinete. May mga katulad nina Dwight D. Eisenhower ng US at Cory Aquino natin, na istriktong nagdadaos ng lingguhang Cabinet meetings. Parang mini-Parliament, lumalahok lahat sa deliberasyon miski hindi nila linya ang nakasalang na isyu. Halimbawa, ang secretary of health ay nakiki-diskusyon tungkol sa kung bobombahin ng America ang Korea. O ang foreign secretary sa outbreak ng malaria sa paligid ng Metro Manila.
Meron din Pangulo na ang estilo ay tulad ng payo ni Machiavelli sa The Prince. Sina Ronald Reagan, George H. Bush, Bill Clinton, George W. Bush at Barack Obama ng America, at si Fidel Ramos natin ay ganito. Ang mga Kalihim nila ay tagapagpatupad ng patakaran, na hinuhubog ng core group. Sa White House araw-araw ay pinupulong ng President ang Vice President, Secretary of State, National Security Adviser, at chief of staff. Kung may kailangan hingin sa Kongreso, kikilos ang VP, bilang Senate presiding officer. Kung may ipatutupad sa mga ambassadors, ang state secretary na ang bahala. Kung tung kol sa militar, ang NSA ang naka toka; kung tungkol sa Gabinete, ang chief of staff naman. Cabinet clusters na lang ang nagmi-meeting: sa economy o security.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: mailto:[email protected]
- Latest
- Trending