^

PSN Opinyon

Pumalag na si GMA

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

For the first time pumalag na si  dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Arroyo at binueltahan nito ang administrasyo ni P. Noy.

Sabi ni GMA, may “danger sign” daw siyang nakikita sa kasalukuyang economy ng Philippines my Philippines.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Bida ni GMA sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malungkot siya dahil bumabagsak daw ang malakas na economy na ipinundar nito noon siya pa ang panggulo este mali pangulo pala sa Philippines my Philippines at ipinasa sa Aquino administration?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga critics ni GMA paano naman ang sinasabi ni P. Noy na halos alaws pera ang kaban ng Philippines my Philippines ng umupo sila sa palasyo ng malakanin este mali Malacañang pala?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

“So today a year later, the economy is still benefiting from that sustainable growth but this is not to say that there are no danger signs, there are danger signs. Yung ekonomiya na iniwan ko it was very strong at the time there was a global crisis, now when the rest of Asia is recovering our economy is decelerating so yun ang problema,” patutsada ni GMA.

Bida ni GMA sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  “ten years of uninterrupted growth even during the global crisis, and I left with a 7.9 percent growth rate, I left with automated elections which is beginning of political reforms.”

‘Hayaan na natin ang madlang people ang humusga kay P. Noy at GMA kung sino sa kanilang dalawa ang tama para sa bayan’

Abangan.

* * *

Scarlet fever

TINITIKTIKAN ng madlang people sa NAIA Human Quarantine at mga medical doctor dito ang bagong nauusong sakit na dala ng mga passenger from Hong Kong kasi nakakahawa at puedeng ikamatay ng patient kapag hindi nalunasan agad.

“Scarlet fever,” ang tawag sa airborne na sakit na ito kaya pinag-iingat ang madlang people specially mga bata below 10 years old dahil mas madaling mahawa ang mga bata pero dehins tatalab sa mga damatan.

Kaya sa airport todo pagbabantay ang ginagawa ng mga medical team para tiktikan ang mga courier este mali carrier pala ng ‘scarlet fever.’

Sa ngayon alaws pa naman sa Philippines my Philippines ang ‘scarlet fever’.

Para sa kaalaman ng mga parenthood ang sintomas ay ang pagkakaroon ng ‘strawberry tongue’ o sobrang pamumula ng dila; mga rashes sa dibdib, braso, kamay, binti, likod, mukha at leeg, na pagkaraan ng ilang araw ay nagbabalat, paglalagnat, pananakit ng lalamunan, may magaspang na balat na parang papel de liha pantal, at pag-ubo.

Oras na naka-encouter ng ganitong sintomas botak agad kayo sa doctor para bigyan kayo ng antibiotic.

Ang scarlet fever, ay ‘streptococcus bacteria’ hindi ito katulad ng ibang lagnat na ang pinagmulan ay ‘virus’.

Payo sa madlang bata maging malinis sa inyong sarili ‘wash your hands’ para dehins kayo mahawa.

Lumayo sa madlang people na may ubo para dehins kayo magkaroon ng sakit at baka kasi kayo matalsikan ng laway nito. Hehehe!

BIDA

GLORIA ARROYO

HONG KONG

HUMAN QUARANTINE

LSQUO

NAKU

PAMPANGA REP

PHILIPPINES

TOTOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with