^

PSN Opinyon

Maling argumento ang ginamit

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

Kasal si Myrna kay Alfonso. Meron silang tatlong anak. Pagkaraan ng pitong taong pagsasama, naging magulo ang relasyon nila. Nagpatingin na sa doktor si Myrna at sumailalim sa psychiatric testing at humingi ng payo rito sa pag-asa na maisasalba pa ang kanilang kasal. Nabigo rin siya at matapos ang dalawang taon, tuluyan na rin silang naghiwalay.

Samantala, nakakuha ng kopya ng confidential psychiatric report mula sa mga doktor ni Myrna si Alfonso. Ito ang ginamit niya upang mapawalambisa ang kasal nila ni Myrna. Tumestigo siya sa korte gamit pa rin ang ulat ng mga doktor ni Myrna. Sa pagkakataong ito, kinontra ni Myrna ang ginawa ni Alfonso na pagsusumite ng nasabing psychological report. Ayon sa kanya, paglabag ito sa tinatawag sa batas na “privileged communication” kung saan ipinagbabawal ang paggamit ng mga impormasyon at komunikasyon na namamagitan sa isang doktor at kanyang pasyente. Hindi raw siya puwedeng tumestigo tungkol sa report ng doktor laban sa sariling pasyente. Argumento pa ni Myrna, kung ang sarili nga niyang doktor ay hindi puwedeng magsalita ng tungkol sa nalalaman niya, mas lalo ang ibang tao na tulad ni Alfonso na dapat pagbawalan na isiwalat ito sa madla. Tama ba si Myrna?

MALI. Upang pumasok sa tinatawag na “privileged communication between physician and patient”, dapat sundin ang sumusunod: (1) ang impormasyon na natanggap ay ginamit sa kasong sibil, (2) ang tao na ginagamitan ng pribilehiyo ay lisensiyado at may karapatan na gumamot, magpaanak o kaya ay umopera, (3) ang impormasyon ay nakuha ng tao habang ginagamot ang pasyente, (4)) ang impormasyon ay ginamit upang makakilos siya bilang doktor at (5) ang impormasyon ay “confidential” lang sa kanila at kung malalaman ng iba ay makakasira sa reputasyon ng pasyente.

Sa kasong ito, na­wawala ang pangalawang kondisyon. Si Alfonso ay hindi doktor na awtorisadong gumamot, magpaanak o mag-opera ng tao. Siya ay simpleng asawa ng pasyente na gustong tumestigo gamit ang ulat na ginawa ng mga doktor ni Myrna. Maliwanag na hindi siya pumapasok sa pinagbabawalan ng batas. Hindi rin puwedeng sabihin na ang testimonyang binigay niya ay isang paraan para lusutan ang ipinagbabawal sa batas dahil hindi naman pareho ang epekto ng testimonya niya at ng doktor na sumuri sa asawa niya.

Puwede sanang tanggalin ang testimonya ni Alfonso tungkol sa mga ulat ng doctor kay Myrna kung ang ginamit lang na depensa ay dahil hindi niya personal na nalalaman ang kanyang sinasabi at nalaman lang niya ito sa iba o ang tinatawag sa ingles na “hearsay”. Wala siyang alam tungkol sa paggawa ng ulat at kung ano ang nilalaman nito kaya pawang sabi-sabi lang ito. Kaya lang, hindi naman ito ginamit na argumento ni Myrna kaya maitutu-ring na isinuko na niya ang karapatan na gamitin ang depensang ito. (Krohn v. Court of Appeals, G.R. No. 108854, June 14, 1994).

ALFONSO

ARGUMENTO

AYON

COURT OF APPEALS

DOKTOR

MYRNA

NIYA

SI ALFONSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with