^

PSN Opinyon

Santisima Trinidad

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

IPINAHAYAG ng Diyos kay Moises ang Kanyang pa-nga­lan: “Si Yawe, si Yawe, ang Diyos na maawain at mapagpatawad, banayad sa pagkagalit at sagana sa kabutihang-loob at katapatan”. Naganap ito sa Bundok ng Sinai na doon ibinigay ng Diyos kay Moises ang dalawang tapyas ng bato na nagsasaad ng Kanyang mga Utos. Papuri at ipagdangal ang Diyos magpakailanman!

Sa huling bahagi ng ikalawang liham ni Pablo sa mga taga-Corinto ay tagubilin niyang magalak tayo, maging ganap, magkaisang-diwa at mamuhay nang mapayapa, sapagkat sumasaatin ang pag-ibig at kapayapaan sa kagandahang-loob ni Hesukristo, pag-ibig ng Diyos at pakikisama ng Espiritu Santo.

Ganito kamahal ng Diyos ang mundo. Ibinigay sa atin ang Kanyang Bugtong na Anak upang magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan. Ang Santisima Trinidad ay ugnayan ng lahat ng mga sumasampalataya sa simbahan ni Hesukristo. Sama-sama tayong nagpuri sa Diyos Ama natin. Hindi sinarili ni Hesukristo ang Kanyang Ama, kaya itinuro sa atin ang Kanyang pana­langin na “Ama Namin”. Ipagpatuloy natin ang paghingi ng kapatawaran kay Hesukristo na Siyang nagligtas sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Krus at buhay. Ikatlo, simula hanggang wakas ay lapitan natin tuwina ang Espiritu Santo. Siya ang gumagabay at nagbibigay sa atin ng liwanag sa puso at isipan.

Ngayon ay ipinagdiriwang ng sandaigdigan ang      Araw ng mga Ama. Ipanalangin sila upang patuloy na pagpalain ng ating Ama sa Langit. Hingin natin sa Espiritu Santo ang liwanag sa kanilang isipan sa kanilang mga gawain sa araw-araw. Maging matatag nawa sila sa mga suliranin ng kanilang paghahanapbuhay at mapaglabanan nila ang tukso sa kanilang buhay lalung-lalo na ang mga nasa ibang bansa at sa mga karagatan.

Manalangin tayo sa Santisima Trinidad, purihin natin

Sila, pasalamatan tuwina sa pagkakaloob sa atin ng ating ama. Maligayang Araw sa lahat ng ama!

Exodus 34:4-6, 6-9; Dn 3; 2Cor 13:11-13 at Jn 3:16-18

AMA

AMA NAMIN

ANG SANTISIMA TRINIDAD

DIYOS

DIYOS AMA

ESPIRITU SANTO

HESUKRISTO

KANYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with