^

PSN Opinyon

Editoryal - Naglaho parang bula ang smugglers ng black corals

-

WALA na ang Chinese trader at kanyang asawa na nasa likod ng bigong pag-smuggle ng P35-million halaga ng black corals. Ang mag-asawang Li Yu Ming alyas Joe Pring at asawang si Olivia Li ay parang bulang naglaho at umano’y nasa Hong Kong na. Marahil nagtatawa na sa kasalukuyan ang mag-asawa na tinaguriang mga “kriminal ng kalikasan” sapagkat nalusutan nila ang batas ng Pilipinas ukol sa illegal poaching ng black corals, seashells at iba pang marine species sa karagatan ng Mindanao. Ang black corals ay ginagamit para sa jewelry. Nadiskubre ang smuggling activities   ng mag-asawa nang makumpiska ng Bureau of Customs ang cargo ng black corals, sea shells at mga pinatuyong pawikan sa Manila port noong Mayo 1 galing ng Cotabato. Nakapangalan ang cargo sa isang Exequiel Navarro.

Imposible nang mahuli ang mag-asawang “kri­minal”. Gagawin nila ang lahat para hindi na maibalik sa Pilipinas. Tiyak na marami na silang kinitang pera sa black corals smuggling at puwede na silang magparetoke ng mukha para hindi makilala.

Dapat namang imbestigahan ang mga nagpa­baya kung bakit nakatakas ang mag-asawang “kriminal”. Bakit hindi agad nasampahan ng kaso ang mga ito para napigilan sa pag-alis? Bakit mabagal sa pag-iisyu ng hold-departure order sa dalawang “kriminal”?

Galit na sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile, dapat patalsikin ang dalawang prosecutors na dapat sana ay umaksiyon para masampahan ng kaso ang dalawa. Dahil sa hindi nila pagkilos, nakatakas ang mga “kriminal”.

Tiyal na mauulit ang pagwasak sa yamang dagat ng Pilipinas hangga’t walang “kamay na bakal” na bibigwas sa mga “kriminal ng kalikasan”. Matutuwa ang mamamayan kung magkakaroon ng political will ang mga namumuno para maisalba ang likas na kayamanan ng bansa. Huwag patawarin ang sumisira sa kalikasan.

vuukle comment

BAKIT

BUREAU OF CUSTOMS

EXEQUIEL NAVARRO

HONG KONG

JOE PRING

LI YU MING

OLIVIA LI

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with