MATAGUMPAY ang ginawang pamumuno ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa Committee on Domestic Workers ng International Labor Organization (ILO) na nag-adopt sa report hinggil sa panukalang “Decent Work for Domestic Workers.”
Ito ang napag-usapan namin ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada.
Ang impormasyon ay ipinarating ni DoLE Secretary Rosalinda Baldoz, kaugnay ng partisipasyon ng Philippine delegation sa 100th ILO conference sa Geneva, Switzerland, kung saan ay si Labor Undersecretary Hans Leo Cacdac ang kumatawan sa Pilipinas sa pagpupulong ng komite.
Ayon kay Baldoz, ang Convention and Recommendation on Domestic Workers ay itinuturing na “landmark instruments” na magtitiyak ng proteksiyon, karapatan at maayos na trabaho ng mga domestic worker sa buong mundo. Inaasahan aniya na susundin ito ng lahat ng mga bansa.
Ang pagtitiyak ng karapatan at kapakanan ng mga manggagawa laluna ang mga itinuturing na vulnerable workers na madalas nabibiktima ng exploitation ay isa sa mga pangunahing adbokasiya ni Jinggoy. Siya ang nag-akda at nagpupursige ng landmark legislation na panukalang “Batas Kasambahay” na naglalayong itaas ang suweldo at benepisyo ng mga domestic worker at isulong ang kanilang pangkabuuang pag-unlad.
Binabati ko si Secretary Baldoz at ang buong Philippine delegation sa matagumpay at aktibong partisipasyon nila sa ILO conference, gayundin si Director Nicon Fameronag, pinuno ng DoLE Labor Communication Office.
Happy birthday din, Secretary Baldoz, at kay Dr. Maricar Limpin ng Philippine Heart Center at Executive Director ng Anti-Tobacco Council.
Nagpapasalamat din si Jinggoy sa mga tumulong sa kanyang pagbisita sa Qatar, sa pangunguna nina Amb. Crescente Relacion, Labor Attache Arturo Sodusta, Asst. Labor Attache Violet Illescas, Welfare Officer Danilo Flores, Consul Jabbar Adiong, Vice Consul Gilbert Segarra, at ang lahat ng staff ng Philippine Embassy at POLO sa Doha.
Happy wedding anniversary kina Parañaque City Rep. Roilo Golez at Mrs. Naty Golez.