^

PSN Opinyon

'Mga kasong wanted'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

MARAMING nakitang pagkakaiba ang grupo ng BITAG sa halos isang buwang pagsubaybay at pagdodokumento sa pagpapatrolya ng mga Filipino-American Officers sa ilang siyudad sa San Mateo County.

Ang mga simpleng responde na usaping pambarangay sa ating bansa, mismong mga pulis na ang humahawak at pumaplantsa ng problema.

Maging ang pagpapagana ng batas sa bansa ni Uncle Sam, masasabing natuto at napahanga kami. Isang bagay na katangi-tangi na napag-aralan ng aming grupo ay ‘yung pagdadala ng subpoena sa mga may kaso.

Ito ‘yung patawag sa isa o mga indibidwal para dumalo sa korte sa petsang nakasaad sa subpoena upang dinggin ang kasong kinasangkutan. Kapansin-pansin na isang araw lamang ang lumipas matapos ilabas ng korte ang subpoena, mismong mga pulis na ang nagdadala nito sa bahay ng ipinapatawag.

Kung sakaling natanggap na ng mga sangkot ang kanilang subpoena subalit hindi nila ito dinaluhan kahit isang beses lamang, umaatikabong warrant of arrest na ang naghihintay sa’yo.

Ang talagang nakakamangha dito, ilang oras lamang bago ilabas ang iyong warrant, mapapasakamay na ito ng mga patrol officers at maaari ka na nilang damputin ora mismo. Kung saka-sakaling nakatunog ang suspek at nakaalis na sa kaniyang bahay, kuwidaw ka, hindi ka pa tuluyang makakatakas dahil naka-program na sa buong US ang iyong pagiging Wanted.

Kung sakaling mapadpad ka sa ibang lugar at mamataan ng ibang city at state police, sa pamamagitan lamang ng pagverify ng iyong pangalan sa computer system na nakakabit mismo sa patrol car, hulog ka na sa bitag, siguradong sa kalaboso ka babagsak.

Ilan lamang ito sa mga responsibilidad at aktibidades na ginagawa ng mga Pinoy cops sa US. Abangan ang ilan pa sa kanilang kagitingan habang ginagampanan ang trabaho ng pagiging alagad ng batas.

ABANGAN

AMERICAN OFFICERS

ILAN

ISANG

KAPANSIN

PINOY

SAN MATEO COUNTY

UNCLE SAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with