^

PSN Opinyon

AFP modernization apurahin

- Al G. Pedroche -

BAGO ang lahat binabati ko muna ang aking kaibigan at dating governor ng Integrated Bar of the Philippines na si Atty. Pete S. Principe na nahalal na National President ng Philippine Trial Lawyers Association, Inc. Hard worker ang kaibigan kong ito at isa sa mga abogado ng mga biktima sa karumaldumal na Maguindanao Massacre case. Congratz Atty. Bitay!

* * *

Sa nakikita nating paghahari-harian ng China sa pinag-aagawang Spratly Group of Islands, diyan makikita na dapat nang ipursiging pagtibayin ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines. Ito’y isang plano’ng laging nauudlot.

Kayang-kaya tayong duruin ng Tsina dahil alam na mistulang “tirador” lang at “pana” kumpara sa kanilang mga modernong sandata ang armas ng ating hukbo. Hindi natin kayang ipagtanggol ang ating sariling teritoryo.

Nakapagkomento lang ang pamahalaan hinggil sa intrusion ng China sa pinag-aagawang mga kapuluan sa South China Sea, agad umentrada ang embahador ng China upang kastiguhin ang pamahalaan. Animo’y kanila na ang lugar na pinag-aagawan ng mga bansang Asyano.

Ang kalunus-lunos malaman ay kapos sa pondo ang AFP para bumili ng makabagong sandata. At lalung nakakakulo ng dugo na gunitain yung mga katiwalian gumulantang sa bayan na kinasangkutan ng mga heneral. Pero nakaraan na iyan at tila wala namang kinalaman ang kasalukuyang administrasyon sa “pasalubong-pabaon” scandal. Kaso nga, nakikita natin ngayon ang pangit na epekto ng korapsyon. Grabe! Ni matinong combat boots ay hindi mabili para sa mga kasundaluhan!

Kung tutuusin, may karapatang umalma ang Pilipinas sa pagtatayo ng mga istruktura ng Tsina sa bahagi ng Sprat­lies na napakalapit sa Palawan. Sa inaasal ng Tsina,  hindi malayong darating ang panahon na pati Pa­lawan ay angkinin na nito at matapos iyan ay ang buong Pilipinas.

Kapag lumala ang gulo, nakaabang lang sa tabi-tabi ang Estados Unidos na dalawampung taon na ang nakalilipas ay itinaboy natin sa ating mga dalampasigan. Pihong papalag naman ’yung mga militanteng mahigpit na tumututol sa pagpapanumbalik ng puwersa ng US of A sa bansa.

Harinawang huwag umabot sa kasukdulan na giyerahin tayo ng Tsina. Sa ilalim ng Mutual Defense Treaty sa Amerika, obli­gado ang USA na umentrada at ipagtanggol tayo sa ganyang sitwasyon. At sinong Pilipino ang aayaw sa tulong na iyan lalu pa’t walang kapabilidad ang ating Hukbong Sandatahan?

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CONGRATZ ATTY

ESTADOS UNIDOS

HUKBONG SANDATAHAN

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

MAGUINDANAO MASSACRE

TSINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with