^

PSN Opinyon

APO vs. NPO

- Al G. Pedroche -

SINULATAN ako ng pamunuan ng Asian Productivity Organization o APO para pabulaanan ang reklamong isinampa ni Richard Oderon, dating pangulo ng NAPOWA (samahan ng mga kawani ng National Printing Office) na humaharang sa APO na makabilang sa Government Recognized Printer (GRP) na naglilimbag ng mga security forms ng pamahalaan. 

Nag-aalboruto ang ilang taga National Printing Office (NPO). Umaapela kay Presidente Noynoy laban sa APO na anila’y ginagawa lamang “gatasan” ng mga tiwaling opisyales ng pamahalaan. Ano’ng gulo ba ito?

Kesyo ang APO raw ay isang private company at base sa rehistro sa Security and Exchange Commission (SEC), ito’y non-profit at non-stock na company. Pinapahintulutan lamang  daw itong maglimbag ng publishing books, ngunit dahil sa ‘insertion’ na naganap sa General Appropriations Act noon nakalipas na taon, biglang naisama ang APO sa GRP. Nag-press conference ang may 100 kawani sa NPO multi-purpose hall at isiniwalat sa mga mamamahayag ang mariing pagtutol sa partisipasyon ng APO sa mga government printing projects.

Sa sulat na in-email sa akin ng APO, tinawag nitong “malaking kasinungalingan” ang mga paratang ng mga taong nagpasasa sa mga nakalipas na panahon sa National Prin-ting Office  (NPO) kaugnay ng pagpasok ng mga pribadong kompanya sa paglilimbag ng mga security at accountable forms ng pamahalaan sa APO Production Unit.

Anang sulat mula sa pinuno ng APO na si Mila Alora, ang APO at National Printing Office ay kapwa nasa ilalim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na ginawa sa ilalim ng Executive Order bilang 4 at General Appropriations Act ng 2011. Ang dalawang tanggapan ay parehong nasa pangangasiwa ng Security Printing  Commit­tee na may superbisyon sa paglilimbag ng mga securi­ty at accountable forms. Dahil dito,  isang direk­tibang ipi­­­nala-bas ng Government Procurement Policy Board (GPPB) noong isang taon na nagsasaad  na ang Bangko Sentral ng Pilipinas, APO Production Unit at National Printing Office lamang ang maaaring  mag-bid at mag-imprenta ng mga kaukulang pa-ngangailangan ng gobyerno.

 Kasunod ng direktiba, ang APO, kahit walang sari-ling pondo para sa  sariling operasyon gaya ng NPO na may budget ay tumatalima at naging puspusan sa pagsasaayos ng mga dapat gawin para maibaba ang presyo ng mga  pangangailangan ng pamahalaan na nauukol sa pag-iimprenta. Iyan ang paliwanag ng APO na inilalathala natin for fairness sake — dahil minsan na nating naibalita sa PS NGAYON ang kontrobersya. Nasa hukuman na ang kaso kaya hands-off na tayo at bahala na ang korte sa usapin.

vuukle comment

APO

ASIAN PRODUCTIVITY ORGANIZATION

BANGKO SENTRAL

EXECUTIVE ORDER

GENERAL APPROPRIATIONS ACT

GOVERNMENT PROCUREMENT POLICY BOARD

NATIONAL PRINTING OFFICE

PRODUCTION UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with