^

PSN Opinyon

Pahalagahan kung ano ang meron ka

SAPOL - Jarius Bondoc -

SINALUBONG si manunula na Olavo Bilac sa kalye ng kaibigan niya na negosyante. “Olavo, kailangan kong ibenta ‘yung bukirin ko, ‘yung madalas natin pasyalan nu’ng bata-bata pa tayo, kasi wala nang silbi sa akin ngayon,” wika nito. “Isulat mo naman ako ng ad na ila-lathala ko sa pahayagan.”

Agad sumulat si Bilac: “Binebenta: isang napaka-gandang bukirin, kung saan umaawit ang mga ibon pagbukang-liwayway sa malilim na kahuyan, na tinutumbok ng batis ng malamig at malinaw na tubig.”

Makalipas ang ilang buwan nagkasalubong muli ang dalawa, at tinanong ni Bilac ang kaibigan kung naibenta na ang lupain. “Hindi ko na itinuloy,” anang negosyante. “Nang mabasa ko ang sinulat mo’ng ad, nabatid ko na akin pala ang kayamanang tinukoy mo.”

Kung minsan minamaliit natin ang halaga ng kung ano ang meron tayo, at inaasam ang malikmatang ya-man. Ilan sa atin ay nagbabalewala sa mga anak, pa­milya, asawa, kaibigan — pati propesyon, kaalaman na naipon nang taon, kalusugan, mga konting kasaganahan na nagpapasaya sa buhay. Tinatapon natin ang mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos, o kaya’y matagal nating pinundar.

Masdan ang paligid. Pansinin ang mga kamag-anak at kaibigan na dati nang naaasahan, ang mga nagpapa­li­gaya sa atin. Sila ang pinaka-mahalagang yaman natin. Hindi na natin sila mapapakitaan ng ating pagmamahal     at pagbibigay kung wala na sila. Habang naglalaon nauubos ang pagkakataon natin na ituwid ang mga pagkaka-    mali at pagpapabaya. Mas mabuti na pahalagahan sila ngayon pa lang.

Tila ‘yan ang awit ng mga ibon sa lilim ng kahuyan sa gilid ng batis.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

BILAC

BINEBENTA

DIYOS

HABANG

ILAN

ISULAT

OLAVO BILAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with