Kilala niyo ba ang grupong ito?

NAKAKABAHALA ang mga sumbong na natatanggap ng BITAG hinggil sa isang lugar sa Malate Manila na talamak umano ang nakawan mapa-gabi man o mapa-araw.

Ayon sa mga biktima, ang mga suspek ay kilala na raw sa lugar sa ganitong gawain. Sa katunayan, labas-masok na sa kulungan ang mga miyembro nito dahil sa mga kaso ng pagnanakaw at snatching.

Ang nakapagtataka, nakakalaya sa pagkakaku-   long at paulit-ulit lamang na ginagawa ang pamemer-wisyo ng mga ito sa mga residente at establisyamen-    tong nasa lugar.

Ayon sa mga nagrereklamo, habang tumatagal ay tumitindi raw ang panggugulo at pamemeste ng grupong ito. Sila na nga ang ninakawan, sila pa ang binabantaan na babalikan,   sasaktan o papatayin kapag nagsumbong sa mga otoridad.

Interesado ang BITAG sa tinutukoy na mga suspek sa sumbong na ito at nais naming makaharap ang sinasabing grupo.

Madalas daw makikitang pagala-gala ang grupong ito sa Remedios Modesto St., sa Malate Manila. Lantaran kung umatake daw ang mga ito at talagang halang na ang mga bituka.

Para matuldukan ang kalokohan ng grupong ito, ka­ kailanganin namin ang tulong ng mga biktima at tips­ter na makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa grupong ito.

Nananawagan kami sa lahat ng nabiktima na magtungo o tumawag sa aming tanggapan sa address at mga numerong na nakalagay sa ibaba ng kolum kong ito.

Gayundin ang mga nakakakilala, may impormas­yon o maging miyembro ng grupong ito na gusto ng magbago at nais ng matuldukan ang krimeng kanilang ginagawa.

Makakaasa kayong itatago ng BITAG ang inyong mga pagkakakilanlan. Hindi namin ipapakita sa telebisyon ang inyong mukha maging ang tunay na pangalan, naiintindihan namin ang aspeto ng inyong seguridad.

Malaki ang maitutulong ng anumang impormasyong manggagaling sa inyo upang mahulog sa aming BITAG ang grupo ng mga magnanakaw na ito.

Show comments