^

PSN Opinyon

Tanong kay Bacalzo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MAY bagong bukas na puwesto ang perya queen ng Batangas na si alyas Tessie.  Matatagpuan ang peryahan ni Tessie sa Batangas City, sa San Juan, Mabini at sa Bauan. Mukhang hindi kaya ni Batangas provincial director Sr. Supt. Rosauro Acio na linisin ang drop ball at color games. Kung sabagay, dati ring pulis si Tessie kaya bagyo siya hindi lang kay PNP chief Dir. Gen. Raul Bacalzo at Acio kundi maging kay Gov. Vilma Santos. Baka gagawing dahilan ni Santos ang fish kill sa Batangas kaya hindi niya maasikaso ang peryahan ni Tessie.

Sa Cavite naman, hindi lang ang peryahan kundi pati lotteng, jueteng at iba pang sugal ang naglipana. Kung si Acio ay inutil sa Batangas, ganun din si Cavite provincial director Sr. Supt. John Bulalacao. Lumalabas na pitsa-pitsa lang ang lakad nina Acio at Bulalacao na kapwa bagyo kay Bacalzo. Kaya tumpak lang na bumaba ang tiwala ng sambayanan sa PNP dahil sa mga opisyal na tulad nina Acio at Bulalacao na nasa harapan na ang problema sa pasugalan ay hindi pa rin kumikilos. Sayang ang pinag-aralan nina Acio at Bulalacao sa PMA.

Ang over-all tong kolektor ni Bulalacao sa Cavite ay si alyas Landong Bulag na nagpapakilalang taga-DZRH. Nagtanong ako sa mga kasamahan sa radyo subalit mukhang si Landong Bulag lang ang may alam na taga-DZRH siya. Baka sa operation Tulong ng DZRH, ang tugon ng kausap ko. Si Landong Bulag ,Gen. Bacalzo, ang bata nina SPO2 Marlon Garcia at Rico Posadas, kapwa bagman ni Bulalacao. Umaabot sa P400,000 weekly ang koleksiyon ni Landong Bulag sa mga pasugalan. Kaya pala hindi malutas ng mga tauhan ni Bulalacao ang nakawan sa pawnshop at robbery with murder diyan sa Cavite at abala siya sa kanyang lingguhang koleksiyon sa pasugalan. Bakit kinukunsinti ni Cavite Gov. Remulla ang pagkukulang ni Bulalacao? Nagkamali kaya si Remulla sa pagpili kay Bulalacao na sinulot pa ang upperclass niya na si Sr. Supt Danilo Maligalig, na nasa floating status ngayon?

Sa pagkaalam kasi ng sambayanan, Gen. Bacalzo Sir, public service ang sinumpaan nina Acio at Bulalacao. Subalit sa ilalim ng liderato mo Gen. Bacalzo, bakit puro bulsa service lang ang ginagawa ng mga opisyales mo tulad nina Acio at Bulalacao. Bakit hindi mo mabago ang alituntunin na ito na bulsa service sa liderato mo, Gen. Bacalzo Sir? Abangan!

vuukle comment

ACIO

BACALZO

BACALZO SIR

BAKIT

BATANGAS

BULALACAO

CAVITE

LANDONG BULAG

SR. SUPT

TESSIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with