l Driving Under Influence (DUI)
IKATLONG linggo na ng grupo ng BITAG sa United States upang gawin ang pakikiangkas sa mga Filipino-American cops ng ilang siyudad sa San Mateo County.
Sa tatlong linggong ito, marami kaming natuklasan, marami kaming natutunan. Marami kaming nasilip na kung sana’y isinasagawa lamang sa atin sa Pinas, mas mapapabuti ang pagpapanatili ng katahimikan at kapa-yapaan sa ating bansa.
Isa na rito ay ‘yung batas laban sa mga nagmamaneho ng lasing o di kaya naman ay nasa ilalim ng impluwensiya ng gamot, marijuana at ipinagbabawal na droga. Ang tawag dito, Driving Under Influence (DIU).
Bihasa ang mga patrol officers na lumilibot sa buong siyudad na basahin ang mga senyales ng mga motoristang lango sa droga lalung-lalo na sa alak, sa kalsada pa lamang.
Kapag naispatang may problema sa iyong pagmama-neho sa kalsada, may karapatan ang mga alagad ng batas na pahintuin ang iyong sasakyan at isailalim ang driver sa isang pisikal na pagsusuri na nakapaloob sa DUI.
May ilang nakakapasa sa mga pisikal na pagsusuri, subalit sa breath control examination kung saan isinasagawa ang pagkuha ng level content ng alcohol o droga sa pamamagitan ng hininga, marami ang nahuhulog sa bitag. Bukod pa rito ang blood test na isinasagawa pagdating mismo sa estasyon ng pulis kapag inaresto na ang driver.
Naisagawa ang batas na ito sa Estados Unidos sa kampanya ng isang inang nawalan ng anak na biktima ng motoristang nagmamaneho ng lasing. Dito nagsimula ang adbokasiya laban sa drunk driving at drinking under influence.
Hindi makakaila na sa Pilipinas, ang pagiging lasing din ng drayber ang pangunahing dahilan ng mga sakuna sa kalsada. Masuwerte kung mga property o sasakyan amang din ang nasisira, ang masaklap kasi, buhay ng mga kapwa motorista, pedestriyan o pasahero ang nagiging kapalit sa huli.
Ang nakakalungkot dito, malalamang lasing o nakainom o naka-droga ang drayber oras na nagkaroon na ng disgrasya at madugong aksidente sa kalsada.
Kung magkakaroon lamang ng matinding batas laban sa drunk driving at driving under influence, sabayan mo pa ng matapat na paglilingkod ng ating mga sariling alagad ng batas sa lansangan, maraming motorista ang magiging responsable sa kanilang pagmamaneho sa kalsada.
Sa madaling salita, marami rin ang maisasalbang buhay.
Abangan sa telebisyon ang lahat ng ito na tinawag naming, “Ride Along”.
- Latest
- Trending