^

PSN Opinyon

Diskriminasyon na

K KA LANG? - Korina Sanchez -

DALAWANG Pilipinang turista ang dinaan sa mahigpit na bag and body search sa airport sa Bali, Indonesia. Habang nakapila sila sa immigration, tinawag sila at dinala sa isang opisina at doon ginawa ang pagkapkap. Wala namang nakitang kontrabando kaya pinayagan din silang lumabas ng airport. Ayon sa sumundo sa kanilang drayber, hindi na raw siya nagtaka kung bakit naantala ang paglabas nila mula sa airport, dahil kadalasan ay mga Pilipino ang huling lumalabas dahil nga sa hinala na sila’y mga “drug mule”.

Dahil sa dami na rin ng mga nahuling Pilipinong drug mule sa iba’t ibang bansa, nakikilala na tuloy tayo sa ganitong masamang imahe. Ito na ang resulta. Diskriminasyon. Kapag Pilipino ka, maging turista o contract worker, puwede kang malagay sa isang mahigpit na pagkapkap. Wala nang mas nakakainis pa sa maantala ka sa isang dayuhan na airport. Wala kang kilala, wala kang matawagan kaagad, at wala kang kalaban-laban. Wala kang magagawa kundi sumunod sa mga utos ng mga tao sa airport! Kung alam mong wala ka namang kasalanan, matutuyuan ka talaga ng dugo!

Ilang buwan na ang nakararaan, napabalita ang Pi­lipinas sa buong mundo dahil sa tatlong binitay na Pi­lipinong drug mule. Tumagal din ng ilang linggo ang isyu ng drugs at mga sindikatong nasa likod ng pag-recruit ng mga Pinoy drug mule. Hindi pa masasabi kung hanggang kailan tatagal ang ganitong pagtingin ng mundo sa mga Pilipino.

Ganun pa man, tama lang na maghayag ng protesta laban sa ganyang klaseng pakikitungo ng mga opisyal sa paliparan ng ibang bansa sa mga Pilipino. Kahit ano pa ang sabihin nila, diskriminasyon ito na nagdudulot ng kahihiyan at hindi patas na pagtrato sa mga inosenteng manlalakbay o trabahador. Mas papayag pa ako kung dito pa lang sa Pilipinas ay hanapan na nang masiyasat ang mga hinihinalang drug mule, kaysa sa ibang bansa pa gawin. Kooperasyon mula sa lahat ng ahensiya ang kailangan dito, pati na ang magandang kooperasyon ng bawat opisyal ng ibang bansa. Mahirap talaga bawiin ang masamang imahe. Sa ngayon, baka wala tayong magagawa kundi sumunod sa mga patakaran ng bawat paliparan. Kaya trabaho ng gobyerno na mabago ang imahe ng Pilipinas. Sugpuin ang sindikato ng droga, nang mawala ang masamang reputasyon.

AYON

DAHIL

DISKRIMINASYON

GANUN

HABANG

KAPAG PILIPINO

PILIPINAS

PILIPINO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with