^

PSN Opinyon

Pinalakas na OFW reintegration program

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

MARAMING umaasa na magiging makabuluhan at ma­ katutulong sa overseas Filipino workers at kanilang pamilya ang OFW Reintegration Program. Ito ang napag-usapan namin ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada.

Noong nakaraang Mayo 30, nilagdaan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Landbank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) ang memorandum of understanding para sa paglalaan ng P2- bilyong pondo sa programa. Ito ay alinsunod sa adhikain ng pamahalaan na makapagtiyak ng mga oportunidad na pang-negosyo sa OFWs at kanilang pamilya.

Sa ilalim ng programa, ang LBP at DBP ay magsisilbing direct lending institutions at implementor ng programa, sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno gayundin sa pribadong sektor.

Ang loanable amount ay mula P300,000 hanggang P2 million na may interes na 7.5 percent, at puwedeng bayaran nang hanggang pitong taon. Ilan umano sa mga negosyong pang-OFW na puwedeng suportahan at pondohan ng programa ay ang agribusiness, tourism, education at healthcare.

Kamakailan, lumabas sa 2011 Consumer Expectations Survey (CES) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na patuloy na dumarami ang OFW families na nagtatayo ng sariling negosyo. Malaking tulong kung bukod sa kanilang naipong remittance money ay makakahiram pa sila ng pandagdag na kapital pang-negosyo mula sa pamahalaan, partikular mula sa OFW Reintegration Program.

Sinabi noon ni Jinggoy na mahalaga ang pagsasa-nib-puwersa ng pamahalaan, mga banko at pribadong grupo upang makapagtiyak ng mga special sa-vings and investment pa­ c­kage para sa OFW at kanilang pamilya.

Ani Jing­ goy, pa­tu­­loy niyang isusulong ang iba’t ibang hakba­ngin na makatutulong sa mga OFW family na makapagtayo ng sarili ni­­lang negosyo.

ANI JING

BANGKO SENTRAL

CONSUMER EXPECTATIONS SURVEY

DEVELOPMENT BANK OF THE PHILIPPINES

LANDBANK OF THE PHILIPPINES

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

REINTEGRATION PROGRAM

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with