BUKAS ay umpisa ng pasok sa mga eskuwelahan. At sa ganitong panahon nagiging aktibo ang mga masasamang-loob. Sa pagdagsa ng mga estudyante, dadagsa rin ang mga mandurukot, holdaper, snatcher at kidnapper. Sasamantalahin nila ang pagkakataon para makapambiktima ng mga estudyante. Kadalasang ang tambayan ng mga masasamang loob ay ang university belt. Dito sila maghihintay ng kanilang bibiktimahin. Kadalasang binibiktima nila ay mga estudyanteng bagong salta lamang sa Metro Manila dahil mas madaling lansihin at takutin.
Pero ang sabi ng Philippine National Police (PNP) handang-handa na sila para protektahan ang mga estudyante. Magpapakalat daw sila ng mga pulis. Ipinangangako ng PNP na magiging matahimik ang pagbubukas ng klase bukas. Mahigit daw 1,000 pulis ang idedeploy sa mga eskuwelahan sa Metro Manila para mapanga-lagaan ang mga estudyante.
Ang Manila Police District (MPD) ay handang-handa na sa school opening. Sabi ni MPD director Chief Supt. Roberto Rongavilla na maglalagay sila ng mga assistance desk sa bisinidad ng mga school para masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante. Magpopokus umano ang MPD sa mga estudyante sa public schools kaysa sa mga nasa private schools. May security guard naman daw ang mga private school.
Bukas makikita kung totoo ang paghahanda ng PNP para maprotektahan ang mga estud-yante. Sana naman, regular na magbantay ang PNP sa paligid ng school upang hindi makasa-lakay ang mga masasamang-loob. Hindi lang sana tuwing school opening sila magbibigay ng seguridad. Gawin sana itong araw-araw. Tiyak na pupurihin ang PNP kapag nagawa ito.