^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pangalanan ang mahihina at bulok na nursing schools

-

NOON pa sinabi ng Commission on Higher Edu­cation (CHED) na ipasasara ang mga nursing schools na walang mai-produce na board passers. Pero lumipas ang maraming taon at nagpalit na nang maraming pinuno ang CHED, hindi pa rin maipasara ang maraming nursing schools sa kabila na walang makapasa sa nursing board exam. Pawang pagbabanta ang ginawa ng CHED kaya naman sa halip na mabawasan ang mga “bulok” at mahihinang nursing schools ay nadagdagan pa. Maski sa mga probinsiya ay nagsulputan ang nursing schools na nakapagdududa naman kung talagang may napupulot ang estudyante sa larangang pinili.

Pero ngayon, may bago na namang ibinabalita ang CHED at ito ay ang pagpapasara raw sa mga nursing schools na mahina o walang quality standards. Hindi raw pagbabanta lamang ang kanilang ipinahahatid sa mga may-ari ng nursing schools kundi totohanan na ang kanilang gagawing pagpapasara sa mga ito. Wala nang pata-patawad. Nasa proseso na umano ang CHED para ganap na maipasara ang mga nursing school na mababa ang kalidad ng edukasyon.

Subalit nakapagtataka naman kung bakit ayaw pangalanan ni CHED chair Patricia Licuanan ang mga ipasasarang nursing schools. Ayon kay Licuanan, hindi na raw mahalaga ang pangalan ng nursing schools na kanilang pinasara. Mahalaga raw aniya ay naipasara na ang mga ito.

Mas mabuti sana kung pinangalanan ang nur-sing schools na bulok upang ganap na makaiwas dito ang mga estudyante. Gaano nakakatiyak ang CHED na sumunod sa kanilang kautusan ang nursing school? Nababantayan ba nila ang mga ito? Baka pagtalikod ng mga opisyal ng CHED ay muling nagbukas at tumanggap ng nursing student ang kanilang “pinasarang” school.

Maraming nursing school ngayon na nagpo-prodyus nang maraming diploma. Mistulang “diploma mill” ang mga bulok na nursing schools. Nakakahiya na wala pang naiprodyus na nurse dahil laging sem­plang sa exam. At nakakahiya na humihingi pa sila nang mataas na tuition. Kinukuba ang mga magulang sa pagbabayad.

Sana nga ay totohanan na ang pagwalis sa mga nur­sing school na walang kalidad. Hindi na dapat mamamayagpag ang mga school na “diploma mill” lamang.

AYON

CHED

GAANO

HIGHER EDU

KINUKUBA

NURSING

PATRICIA LICUANAN

PERO

SCHOOLS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with