^

PSN Opinyon

'Dead end para kay Binoy'

- Tony Calvento -

MALAKAS ang ihip ng hangin ng gabing iyon. Tahimik ang lahatTanging tikatik ng ulan na pumapatak sa bubong ang maririnig sa paligid. Masarap ang tulog ng pamilya Dy ng ito’y magambala.

Mga malalakas na katok ang gumising kay Aida. Tumayo ito para buksan ang pintuan. Dalawang lalake ang nakita niyang nakatayo sa harap niya. Nagkatinginan nagkatitigan, wala munang kumibo. Napansin ni Aida na ang dalawa ay nakasuot ng uniporme ng St. Mathew Funeral Homes. Napabulalas siya ng mga salitang,Anong ginagawa n’yo dito? Anong nangyari?.

Sumagot yung isa na kilala sila, Ang anak mo Si Arjay nasa morgue,

Biglang bumukas ang pinto ng St. Mathew. Mabilis na naglakad, halos tumatakbo sa pasilyo si Aida at asawa ni Arjay na si Gelay papunta sa Morgue. Mula sa malayo nakita niya ang lalakeng nakahiga sa kama sa gitna ng kwarto.

Napatigil siya at nagdasal, Diyos ko sana po hindi ito ang anak ko!

Dahan-dahan siyang lumapit. Totoo nga ang binalita sa kanya. Ang anak niyang walang buhay na si Arjay ang nasa harap niya. Nakapikit, diretsong nakahigaisa ng malamig na bangkay. Isang malakas na sigaw na nanggagaling kay Aida. Ang hiyaw na ito pinuno ang kwarto diretso sa pasilyo hanggang palabas ng mga bintana at pintuan ng gusali. Umabot hanggang langit ang hiyaw ng isang ina na namatayan ng isang anak.

Nagsadya sa aming tanggapan si Aida Dy, taga Block 30, Bagong Silang. Inihihingi niya ng tulong na makamit ang hustisya sa sinapit ng kanyang anak.

Pang-apat si Arjay sa limang anak ni Aida. Aminado itong ina na sa lahat ng magkakapatid si Arjay pinaka mabarkada’t pabling. Bakit naman hindi, kaya nga siya binansagan Binoy dahil kahawig niya umano si Robin Padilla.

Sikat sa kanilang lugar si Binoy. Maliban sa magandang lalake, mabait siyang kaibigan kaya kapag nakakainom ang barkada’t nasasangkot sa away pati siya damay.

Para makumpleto ang maligalig na buhay nitong si Binoy pinasok niya pa ang pagiging ‘macho dancer’. Hindi naman ito kinahihiya ni Aida dahil ayon sa kanya dito nagsimulang tumino ang anaksimula ng makikilala dito ang asawa niyang si Gelay, isa namang GRO.  

Mula ng magkarelasyon ang dalawa nagkaroon ng direksyon ang buhay ni Binoy lalo na ng mabuntis niya ang babae.

Tumigil siya sa pagsasayaw. Si Gelay nagpabalik-balik sa Singapore para magtrabaho at nito lang nahinto, kwento ni Aida.

Mula sa nakasilaw na ilaw ng entablado ng ‘club’ at mga tilian ng mga ‘costumer’ na bakla at sa usok ng sigarilyo sa paligid napalitan ito ng ilaw ng kotse, tunog ng mga motor na nirerebolusyon at maitim na usok na galing sa tambutso. Si Binoy ay pumasok bilang mekaniko ng talyer.

Panibagong buhay para kay Binoy. Bagong trabaho’t masayang pamilya subalit nagsisimula pa lang siyatinapos na agad siya. Agosto 7, 2010 Sabado, bandang 4:00 ng hapon nadatnan ni Aida si Binoy na nakikipag-inuman sa bahay ng kapatid ni Aidang si Buda.

Makalipas ang apat na oras umuwi ng bahay si Binoy subalit umalis ring muli para magpunta sa isa pang inuman sa kanilang lugar. Ito ang huling beses na nakita niyang buhay ang anak.

Ayon sa mga nakalap niyang balita mula sa umano’y nakakita ng krimen. Nung gabing yun, isang Purok Leader ang nagsabi sa kanya na sinita pa nila ang grupo nila Binoy na noo’y nag-iinuman sa tapat ng tindahan. Mahigpit kasing pinagbabawal sa kanilang barangay ang pag-inom sa kalye.

Bibit ang bote ng ‘beer’ nanakbo si Binoy kasama ang dalawa pang kasama hanggang mapadpad sa ‘Balwarte’. Isang putol na kalsada (dead end).

Napasok siya dun at wala na siyang mapupuntahan. Isang grupo ng kalalakihan ang nag-iinuman sa lugar. Pamilyar ang kanilang mga mukha subalit hindi siya kilala ni Binoy. Hininto siya ng isa. Tinagayan ng isang baso na may lamang alak. Sinabihan naman ang dalawa niya pang kasama na sumibat na. Tanging si Binoy ang pakay nilang makaharap. Tumanggi siya sa basong iniaabot.

Isang babae mula sa hindi kalayuan ang nakarinig ng kalabugan. Napatingin siya at nakita niyang nagmamakaawa si Binoy. Nasaksihan niyang hinataw ito ng ‘baseball bat’ sa ulo. Bumagsak sa lupa si Binoy duguan tadtad ng bala ang kanyang katawan.

Kung gaano kasalimuot ang naging buhay ni Binoy hanggang sa kanyang kamatayan komplikado pa rin. Mga katanungang patuloy na bumabagabag sa isipan ng kanyang ina kahit mag-iisang taon ng nakali­bing ang lalake.

Bakit idinerteso siya sa punerarya hindi man lang idinaan sa ospital? Sino ang nagbigay ng pahintulot na siya’y embalsamuhin agad? Hindi naman ganun kalayo ang bahay namin subalit hindi sila humingi ng permiso. mariing pagtatanong ni Aida.  

Ang sabi ng mga taga St. Mathew, isang babae raw ang pumirma na inalaka nilang asawa ni Binoy para embalsamuhin ito.

Mula ng mangyari ang insidente kasamang nalibing ang kaso ito sa hukay ni Binoy. Ang ‘case folder’ ni Binoy ay napuno na ng alikabok kaya hinihiling nila sa amin na tumulong para mabuksan muli at maimbestigahan ang nangyari sa kanilang anak.

Wala kaming alam na kaaway ng anak ko. Hindi namin alam kung sinong gagawa ng brutal na pagpatay na ito kay Arjay, sabi ni Aida.

Itinampok namin ang istorya ni Aida sa CALVENTO FILES sa radyo. Ang Hustisya Para Sa Lahat ng DWIZ 882 KHZ (tuwing 3:00-4:00 ng hapon).

Bilang tulong inirefer namin si Aida kay P/Sr. Supt. Jude Santos. Ang Chief of Police ng Caloocan Philippine National Police (PNP) upang malaman nila Aida ang estado ng kanilang kaso.

Si Arjay kinailangan niyang makipagbuno sa mundo para siya’y mabuhay lamang. Isang tao kung tama ang aking basa ay may tinatakasan. May tinatakbuhan sa kanyang nakaraan. Maging sa kanyang mga huling sandali ng kanyang buhay namatay siya na tumatakbo at tumatakas mula sa mga taong tumutugis sa kanya. Anim na tama ng bala sa likod sa kanyang katawan ang tinamo niya. Hataw sa kanyang batok at isang bala sa likuran ng kanyang bungo ang tumapos sa taong ito.

Sampung buwan ng nakararaan bago inilapit sa aming ang kasong ito. Lubhang napakahirap maski na para sa isang dalubhasang Police Investigator para magbuo ng isang imbestigasyon na maaring magturo kung sino o sinu-sino ang mga nasa likuran ng kanyang pagkamatay.

Inaasa namin sa Panginoon na bigyang linaw ang kasong ito at sa tulong nga mga taong nagbabasa ng pitak na ito na maaring may impormasyon malulutas ang kasong ito. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Sa gustong dumulog ang aming numero 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

Sa puntong ito nais kong pasalamatan si N Guillermo miyembro ng MAPSA para sa tulong na ginawa niya sa anak kong si JC Calvento. Hindi lang niya inasistehan, hinatid niya rin si JC kasama ang kanyang mga katrabaho sa kanilang patutunguhan dahil hindi nila matunton ang lugar na kanilang pupuntahan. Mayor Binay iba kayo sa Makati. Iba itong si N Guillermo. Maraming salamat sa inyo!

* * *

Email address: [email protected]

AIDA

ARJAY

BINOY

ISANG

KANYANG

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with