^

PSN Opinyon

Purgahin na ang NBP!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

BUMITIW na sa tungkulin si Bureau of Corrections Chief Ernesto Diokno, na agad namang tinanggap ni President Aquino. Dapat lang na bumitiw na at dapat lang na tanggapin. Mabuti at inisip na ni Diokno na ang kanyang pagdadahilan at pangangatwiran na hindi naman niya trabaho ang bantayan ang lahat ng bilanggo kaya hindi siya dapat bumitiw ay nakasasama lamang sa imahe ni President Aquino. Para siyang malaking tingga na humihila sa imahe ng presidente. Hindi sekreto na kaibigan siya ng pamilya Aquino. Tuloy ang pagmamatigas niya ay tila pinapakita lang sa tao kung gaano siya kalakas sa presidente, na unti-unti nang kinaiinisan ng mamamayan. Parang wala na dapat ikabahala ang sinumang kaibigan ng presidente sa Gabinete, kahit sumasablay na sa trabaho!

Ang pagkahuli kay dating Batangas Gov. Antonio Le-viste habang nasa labas ng New Bilibid Prison ang naging mitsa ng kinabukasan ni Diokno. Nabisto ang bulok na pamamalakad sa NBP kung saan mga mayayaman at ma-impluwensiyang mga kriminal ay nabibigyan ng VIP tretament kaysa sa ordinaryong kriminal. Mas mabilis nalalagay sa “living-out” na lugar, may mga kubo na may mga bawal na gamit para sa isang bilanggo! At ang pinaka-masama, ay ang natuklasan na nakakalabas pala ng NBP nang walang paalam, walang pahintulot, walang permit, walang guwardiya na kasama, na nasusundo pa ng sariling driver! At paano natatawagan ang driver para magpasundo na? Eh di may cell phone o pinagagamit ng mga guwardiya ang mga landline, na parehong bawal para sa isang bilanggo!

May karagdagang ulat pa na may sinasama pa raw na ibang mga bilanggo si Leviste tuwing lumalabas. Isa, nakakulong para sa pagnanakaw, isa, nakakulong para sa panggagahasa! Nagsilbi raw na mga bodyguard ni Leviste ang dalawang kriminal habang nasa labas ng NBP! Ibig din sabihin, nakailang beses na rin nakalabas! Walang naniniwala sa kanyang dahilan na sumakit nang husto ang ngipin kaya napilitang lumabas para magpagamot. Patong-patong ang mga paglabag sa mga patakaran ng NBP si Leviste. Hindi rin siya dapat palusutin na lang para sa mga ito. Malinaw na wala nang maayos na sistema sa NBP, na tila LAHAT ng guwardiya at mga opisyal ay sangkot sa anomalya. Kaya dapat lang na bumitiw si Diokno. Hindi puwedeng idahilan na hindi niya trabaho ang bantayan lahat ng bilanggo. Maaari ngang hindi, pero siya ang dapat namumuno sa lahat ng tauhan niya para gawin iyon. Lumabas, sa expose ng ABS-CBN, na hindi niya nagagawa iyon. Ngayong wala na siya, purgahin na ang lahat ng tauhan ng NBP, para maramdaman ang nararapat na parusa ng lahat ng bilanggo, at makamit ang tamang hustisya ng mga kapamilya ng mga biktima!

ANTONIO LE

BATANGAS GOV

BUREAU OF CORRECTIONS CHIEF ERNESTO DIOKNO

DAPAT

DIOKNO

LEVISTE

PARA

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with