SINO ba itong si Tina V na nagtatago sa pangalang Tina Yu? Bakit ganoon na lang katindi ang impluwen- siya niya sa mga opisyal ng Customs. Ano ba ang pinagsamahan nila? Bakit hindi nila siya makaya-kaya?
Noong panahon ni Jose Pidal naiintindihan ko, siya ang taga-bili ng relos ni Sir na kamukha ni Jose Pidal. Mga relos na ang halaga ay daang libo hanggang sa milyong piso. Siya ang Reyna sa Aduana, 500 container vans kada linggo, payat ito. Kailangan 5,000 pataas. Lahat kaya ipasok sa bansa, walang bukasan basta may timbre kay Sir. Sino kaya si Sir?
Ngayon patuloy ang pamamayagpag niya sa Aduana. Parang nandiyan pa si Sir. Hindi pa rin tumitigil ang kanyang mga parating, medyo lumiit lamang ang dami ng mga container vans dahil medyo adjustment pa sa presyo at ilang mga bagong opisyal diyan sa Customs. Kamakailan nagparating siya ng bigas, mainit na kargamento, kailangan ng permit ng National Food Authority (NFA) na ibang ahensiya at hindi kasali sa milagro.
Inipit ang parating niya, nagtataka siya, nagbigay na siya sa isang opisyal ng milyong piso pero naliitan pala. Kulang kaya iyan dagdag siya bago palabasin ang kargamento na misdeclared. Bagong variety ang bigas na pinasok niya, hindi na kailangang itanim at diyan marami niyan sa Customs at hindi sa Department of Agriculture.
Unti unti bumabalik sa dati ang dami ng parating niya, katulong ng anak niyang si Bebang na hinahanda niyang maging tagapagmana ng negosyo, malapit na nila maabot ang dating volume at konting panahon na lang meron na siyang ibang Sir, hindi nga lang kasing taas ng dating Sir.
Iyan si Tina V, kahit anong weather namamayagpag.
* * *
Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com