Lumalala ang unemployment rate
KAILANGANG magsagawa ng mga komprehensibong hakbangin upang masolusyunan ang lumalalang unemployment rate sa ating bansa. Ito ang paniniwala namin ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada.
Umabot na sa double-digit mark ang unemployment rate at talagang naging mahirap ngayon ang pamumuhay nang maraming Pilipino laluna’t halos walang job opportunities. Noong panahon ni Presidente Erap ay hanggang 7-8% lang umabot ang unemployment rate.
Marami namang ginagawang pamamaraan ang Department of Labor and Employment sa pangunguna ni Secretary Rosalinda Baldoz, pero sadyang napakara-ming mabibigat na kaganapan na nakaapekto sa mga manggagawa laluna nga ang giyera sa Middle East na nagresulta sa job displacement ng OFWs.
Ayon kay Jinggoy, ilan sa mga konkretong hakbang na puwedeng isagawa ng pamahalaan ay ang mga sumusunod:
Pagpapalakas ng local industries, sa pakikipagtulu-ngan ng DOLE, TESDA, CHED at Kongreso;
Ibayong paghikayat sa foreign investors upang magtayo ng negosyo rito.
Pursigidong pagkilos ng POEA kasama ang pribadong sektor tulad ng mga recruitment agency na may good standing record upang magsagawa ng mga marketing mission sa mga existing at target mabuksang deployment countries;
Pagbibigay-laya ng POEA sa inisyatiba at paglawak ng mga recruitment agency, kung saan ay hindi dapat na tila nakikipagkompetensiya pa ang ahensiya sa pag-deploy ng OFWs; at
Pag-aralan ang posibleng pag-lift ng deployment ban sa ilang mga bansa tulad ng Bahrain, Iraq at Afghanistan lalu-na’t patuloy na nagtutungo roon ang mga manggagawa sa pamamagitan ng backdoor channel.
Binabati ko ang mga avid reader ng ating kolum: Congressman Benjo Benaldo ng Cagayan De Oro (1st District), OWWA Administrator May Dimzon, Labor Undersecretary Hans Cacdac, Engr. Candido Jojo Acuña Jr. ng Quezon City Electrical Department at Labor Undersecretary Danny Cruz na nagdiwang ng kanyang kaarawan. Belated Happy Birthday, Usec Cruz!
- Latest
- Trending