^

PSN Opinyon

Si P. Noy at ang madlang people!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

HALOS hindi na natutulog ang administrasyon ni P. Noy para maka-isip ng mga paraan upang umunlad ang economy para matulungan ang mga mahihirap na madlang people sa Philippines my Philippines kaya naman gumagawa itong ng mga paraan para mapalakas ang ungguyan este mali ugnayan pala sa ibang nation para maka-gets ng karagdagan funding for the madlang pinoy.

The other week nakipagtaguan este nakipagkita pala si P. Noy kay Australia & New Zealand Banking Group Ltd (ANZ-BGL) chief executive officer Michael Smith para sa pagpapalawak sa Philippines my Philippines ng mga negosyo ng Australia at New Zealand.

Napagalaman ng mga kuwago ng ORA MISMO, plano ng kompanya, konektado sa pagbabangko, na palawakin ang call center business sa pagtatapos ng 2011 na nangangahulugan ng karagdagang trabaho para sa madlang pinoy.

Sinipot din ni P. Noy si Democratic Socialist Republic of Sri Lanka Prime Minister Disanayaka Mediyansalage Jayaratne, matapos magkaroon sila ng 3 days date este mali  working visit pala sa Malacañang.

Seryoso ang pinag-usapan ng dalawang lider dahil plano gawin kung paano mapapa-unlad ang kanilang mga relasyon sa iba’t-ibang larangan at interes.

Pinagusapan din nila ang disaster risk reduction, suliranin ng banyagang mga manggagawa, problema sa ilegal na droga, pagpapadali ng pagkuha ng visas sa dalawang nasyon, pagkontra sa nagbabagong klima sa tulong ng paggamit ng electric tricycles at open skies policy sa Philippines my Philippines.

Kaya naman hindi naging biro ang mga transaksyon ni P. Noy sa ibang lider ng ibang bansa.

Ito ba ngayon ang walang ginawa?

Hindi pa dito ang ending ng story ng mga kuwago ng ORA MISMO, tiniyak ng administrasyong Aquino sa lahat ng pagkakataon ang mahusay, epektibo at tutok na implementasyon ng mga programa at polisiya ng gobyerno.

Pinirmahan ni P.Noy. ang Executive Order No. 43 nitong Mayo 13, 2011 para lagyan ng limang Cabinet clusters na tututok sa ibat-ibang pangunahing mga bagay sa larangan ng serbisyo publiko.

Tama sina P.Noy at Executive Sec. Paquito N. Ochoa Jr. sa pagsasabing mapapadali ng EO ang pagtugon sa ibat-ibang mahahalagang mga aspeto sa serbisyo sa gobyerno sa pama­magitan ng pagbuo sa Cabinet Clusters na Good Governance and Anti-Corruption; Human Development and Poverty Reduction; Economic Development; Security, Justice and Peace; at Climate Change Adaptation and Mitigation.

Magiging produktibo nga naman kung magkikita ang mga kasapi ng Gabinete na siyang may kaalaman sa mga suliranin at ibat-ibang usapin ayon sa kanilang espesyalisasyon.

Pangungunahan ni P.Noy ang Good Governance and Anti-Corruption cluster bilang chairman habang tatayong secretariat ang Department of Budget and Management (DBM) at miyembro ang mga kalihim ng Departments of Finance (DOF), Interior and Local Government (DILG) at Justice (DOJ); hepe ng Presidential Legislative Liaison Office at pinuno ng Chief Presidential Legal Counsel.

Pamumunuan ang Human Development and Poverty Reduction cluster ng kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang secretariat at lead convenor ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) at kasapi ang chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC); mga kalihim ng Departments of Agrarian Reform (DAR), Agriculture (DA), Environment and National Resources (DENR), Education (DepEd), Health (DOH), Labor and Employment (DOLE), DILG, DBM, National Economic Development Authority (NEDA); at chairman ng Commission on Higher Education (CHED).

Pamumunuan naman ng kalihim ng DOF ang Economic Development cluster habang NEDA ang tatayong secretariat at mga kasapi ang mga lider ng DA, DBM, DILG, Departments of Trade and Industry (DTI), Public Works and Highways (DPWH), Transportation and Communications (DOTC), Energy (DOE); Science and Technology (DOST), at Tourism (DOT).

Pamumunuan ng Executive Secretary ang Security, Justice and Peace cluster kung saan magiging secretariat ang National Security Council at miyembro ang mga kalihim ng DILG, Foreign Affairs (DFA), National Defense (DND), DOJ; at presidential adviser on the Peace Process.

Pamumunuan naman ng kalihim ng DENR ang Climate Change Adaptation and Mitigation cluster kung saan secretariat ang Climate Change Commission at miyembro ang HUDCC chairman, mga kalihim ng DOST, DILG, DPWH, DSWD, DA, DAR, DOE, at DND; at hepe ng Metropolitan Manila Development Authority .

‘Ano sa palagay ninyo madlang pinoy may ginagawa ba si P. Noy para sa ikabubuti ng Philippines my Philippins? Tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Abangan.

vuukle comment

CLIMATE CHANGE ADAPTATION AND MITIGATION

DEVELOPMENT

ECONOMIC DEVELOPMENT

GOOD GOVERNANCE AND ANTI-CORRUPTION

HUMAN DEVELOPMENT AND POVERTY REDUCTION

JUSTICE AND PEACE

NOY

PAMUMUNUAN

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with