^

PSN Opinyon

Ang 'whistle blower' na si Lozada

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAHIRAPANG  maipaliwanag  ni  “whistle blower”  Noel  “Jun” Lozada  ang kanyang  diumano’y  hindi pakikialam  sa  maanomalyang  paggamit  ng milyun-milyong  proyekto  ng  pamahalaan  na kanyang pinangasiwaan  noong siya pa ang   “personal  technical adviser”  ni  dating  NEDA Di­rector-General  Romulo Neri. Sa ginanap na pagdinig sa  Anti-Graft Case sa Sandiganbayan ni dating Comelec Chairman Benjamin S. Abalos,  sinagot ni Lozada ang mga katanungang ibinato ng abogado ni Abalos na si Atty. Gabriel Villareal at inaming  may nalalaman di umano siya sa mga ma-anomalyang  proyekto ng  Philippine Postal Service,  South Rail Project  at Philippine Forest Cor­po­ration na kanya umanong  pinamunuan noong 2006 hanggang 2008.

Sa naturang pagdinig,  ipiniresenta ni Lozada ang sarili bilang isang Communications and Electronics Engineer na may malawak na kaalaman at karanasan sa mga proyektong pinamuhunanan ng  gobyerno. Inamin  ni Lozada na wala siyang ginawa bukod sa pag ulat  kay Neri -- na umano’y kanyang malapit na kaibigan,  ang patungkol sa  $70 milyong na over-priced South rail Project. Si Lozada, ay testigo laban kay Abalos sa kontrobersiyal na ZTE deal ng gobyerno. Lumalabas na pinipili lang niya ang katiwalian sa gobyerno na ibubunyag niya. Dahil malapit kay Neri,  inamin din ni Lozada ang kanyang pagpayag na maitabi  ang  P14-milyong pondo ng Philippine Forest Corporation  na ayon sa kanyang disposisyon  bilang  kaibigan nito. Ang naturang  alokasyon ay bahagi ng P19 milyong  pondo na kinuha  ng PFC mula sa  NEDA,  na di­umano’y P5 milyon lamang ang nagamit. 

Napag-alaman sa nasabing  pagdinig na  si  Lozada ay kasalukuyang  nahaharap  sa mga kasong katiwalian sa Ombudsman patungkol sa mga ano­malyang kinasasangkutan niya bilang  dating presidente ng PFC. Ilan sa mga alegasyong ito ang personal na transaksiyon ni Lozada sa pagkuha ng life insurance policy commission  mula sa isang pribadong  ahensiyang  pinangangasiwaan ng kanyang  asawa na dapat sana’y  mula  sa  GSIS.   Kasunod nito  ang pagpili  at pag-aaward  ng 50 ektaryang Reforestation Project Contract ng PFC sa  kapatid, pamangkin at iba pang mga kaanak  ni Lozada.  Napag alaman  na  hindi dumaan sa bidding process ang  P15-milyon  I.T. Contract  ng  naturang  proyekto.

Inamin  din ni Lozada na siya ang nagsulong ng ZTE- Joey de Venecia partnership  upang ipatupad ang NBN Project na maggagarantiya  sa ZTE  ng $65 milyon na margin na ayon sa kanya  ay  kalahati lamang ng presyo at  mas ma­inam  kumpara  sa  inaalok  ni Abalos. Ayon pa kay Lozada,  ang  P65 milyon ay  nakapaloob  pa  sa kanyang “permissible zone of morality” noong siya  ay tanungin ng mga mahistrado  kung ano ang kanyang magiging  katayuan  patungkol sa nagawang katiwalian. Kung  magpapatuloy ang pagkasira  ng  kredibilidad ng  mga  testigo ng prosekusyon ayon sa mga tagamasid,  nakikinita  ang  malaking  posibilidad  ng  pagbasura  sa  kasong  inihain  kay Abalos. Abangan!

ABALOS

ANTI-GRAFT CASE

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN S

COMMUNICATIONS AND ELECTRONICS ENGINEER

GABRIEL VILLAREAL

INAMIN

KANYANG

LOZADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with