ITINAPAK niya ang paa sa mga nitso at naglakad sa sementeryo ng Bulua, Cagayan de Oro. Bigla na lang tumayo ang kanyang balahibo. Namanhid ang kanyang batok pakiramdam niya may sumusunod.
Natakot ang babae at nagmadali siya sa paglakad hangang isang sitsit ang kanyang nadinig.
“Psst… Joan!” pagtawag ng isang boses ng lalake.
Lumingon si Joan. Nagulat siya sa nakita… nanlaki ang mga mata niya na parang nakakita ng multo. Multo nga…multo ng nakaraan ang tumawag sa dalaga. Si Gerald Cabingas ang kanyang ‘ex-boyfriend’.
Si Leonard Cabingas o “Nards” ng Calamba, Laguna ay nagsadya sa amin. Inihihingi niya ng tulong ang pagkakulong ng 22 anyos na kapatid na si Gerald dahil sa kasong panggagahasa.
Ang biktima ang dating umano’y girl friend nito. Nung mga panahong iyon siya ay katorse anyos pa lamang. Itatago namin siya sa pangalang “Joan”.
Panlima sa pitong magkapatid si Gerald at mas kilala sa tawag na “Dudong”. Ayon kay Nards palabarkada at kung minsa’y pasaway ang kapatid.
High school pa lang huminto sa pag-aaral si Dudong. Sa sementeryo ng Bulua ang kanilang naging tambayan. Nadadaanan ang sementeryong papunta sa bahay ng pamilya Cabingas.
Sa lugar na ito rin nagkakilala si Dudong at ang dalagitang si Joan. Nagkamabutihan sila at naging magkarelasyon subalit nauwi sa kasuhan.
Anim na taon ang agwat ng edad nilang dalawa. Nene pa lang si Joan nakikita na niya ito sa simbahan. Nung una’y hindi rin makapaniwala si Nard na si Joan ang girlfriend ng kapatid subalit naging tanggap din umano ang kanilang relasyon dahil ‘Church mates’ ang mga magulang nito.
Ang mga susunod na detalye ay ang paratang kay Gerald batay sa salaysay ni Joan.
Ika-16 ng Disyembre 2009 bandang 12:00 ng tanghali, habang naglalakad si Joan sa sementeryo tinawag siya ng ex-boyfriend na si Gerald.
Lumapit si Joan sabay tanong, “Tungkol saan ba ito?”. Bigla siyang hinila ni Gerald palapit sa kanya at pilit umanong pinahihiga sa nitso.
Tinulak siya ni Joan hanggang malaglag ito sa nitso. Nanakbo ang dalagita subalit nahabol siya ni Gerald at bigla siyang sinikmuraan. Sa sobrang sakit napaupo sa lupa.. Mabilis siyang hinatak at inihiga ni Gerald sa ibabaw ng nitso.
Hinahatak nito ang palda ng dalagita pababa habang pilit naman ini-aangat naman pabalik ni Joan.
Sinubukan tumayo ni Joan. Tinutulak siyang muling pahiga ni Gerald.
Lantad ang puwet ng binata, ibinaba niya ang ‘panty’ ni Joan at ipinasok ang kanyang ari sa dalagita.
Sinubukang kumawala ng biktima subalit pinagbantaan siya ni Gerald na papatayin. Sa takot niya hindi na siya nanlaban. Dito na nilabas masok ni Gerald ang kanyang ari habang hawak ang dalawang kamay ni Joan.
Malakas ang sigaw ni Joan subalit hindi magising ang mga patay na nakalibing sa paligid. Walang dumating upang tumulong sa dalagita.
Nairaos ni Gerald ang kanyang nais at nang lumuwag ang hawak nito sa kamay ni Joan kumawala siya.
Pinagsusuntok niya ito sabay tumakas hanggang makarating sa malaking krus na nakatayo sa sementeryo. Dito lang siya nagkaroon ng pagkakataong isuot muli ang kanyang panty nakalaylay sa isa niyang binti.
Dalawang araw bago nakakuha umano ng lakas ng loob na magsumbong ang dalagita sa kanyang mga magulang. Sumugod ang ama ni Joan kasama ang kanilang Pastor.
“Nasaan ang anak mo! Idedemanda ko yan! Ni-rape niya si Joan!” galit na sabi ng ama ni Joan ayon kay Gerald.
Pinarating nila ito sa kinauukulan. Mabilis na sumailalim si Joan sa isang Medical Examination sa Northern Mindanao Medical Center, Cagayan de Oro.
Kinasuhan si Gerald ng kasong ‘RAPE in relation to RA7610’.
Nagkaroon ng pagdinig ang kaso. Sumailalim ito sa isang preliminary examination kung saan nakitaan naman ng ‘probable cause’ ng tagausig dahilan para maisampa ito sa Korte.
Ilang beses nakausap nila Nards ang mga magulang ni Joan. Ang depensa na ibinigay ni Gerald ay may relasyon ang dalawa.
Diretsahan ring tinanong ni Nard ang kapatid kung totoo ngang may panggagahasang naganap. Sagot naman umano sa kanya, “Kuya… may nangyari pero hindi ko siya pinilit. Isa pa hindi sa nitso nangyari yun… sa tree house.”
Kwento sa amin ni Nards inakala ng ama ni Joan na kapatid niya ang unang gumalaw sa anak kaya’t ganun na lang ang galit nito.
“Bago pa nung araw na yun may mangyari sa amin. May nakauna na sa akin sa kanya. Isa pa hindi ko siya pinilit,” giit umano ni Gerald.
Sa pag-uusap ng magkabilang panig sa haba ng itinakbo ng kasong ito, nagkasundo na umano ang kanilang mga magulang. Inuurong na nila ang kaso.
Nakagawa na ng ‘AFFIDAVIT OF DESISTANCE’ si Joan na ginabayan ng kanyang mga magulang. Isinumite ito sa Prosecutor’s Office subalit patuloy pa ring nakakulong ang binata.
Setyembre 2010 nang makulong si Gerald sa Maharlika Detention Cell. Sa ngayon nailipat na siya sa Cagayan City Jail.
Gustong malaman ni Nards ang legal na hakbang na maari pang gawin kaya’t nagsadya siya sa aming tanggapan.
Itinampok namin ang istorya ni Nards sa CALVENTO FILES sa radyo. Ang “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ 882 KHZ (tuwing 3:00-4:00 ng hapon).
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sabihin man natin na may relasyon ang dalawa. Dahil si Joan ay katorse anyos CHILD ABUSE pa rin yan.
Ang depensa ni Gerald ay dapat mapatunayan sa isang malawakang paglilitis (in open court) dahil sa ‘Preliminary Investigation’ ay ‘Probable Cause’ na lang ang hinahanap.
Kung susuriin ang Medico Legal report ni Joan ‘healed lacerations’ ang punit ng kanyang ari subalit nakalagay din dito na may ‘hematoma’ o may bugbog ang kanyang ari.
Pagdating naman sa ‘affidavit of desistance’ na isinumite na umano nila sa Prosecutor’s office hindi basta maaring maurong ang kaso’t basta maipalaya na lang si Gerald dahil ang kasong ito ay sumailalim sa isang ‘preliminary investigation’ at nilabasan ng resolusyon.
“Ang affidavit of desistance” ay kadalasan hindi binigyan ng mabigat na halaga ng korte (the court frowns on Affidavits of Desistance) lalo na kung ito’y kasong RAPE. Ang dahilan ay maaring nagkaroon ng bayaran o lagayan sa isang usapin. Ang pakiramdam ng ating mga korte ginagamit at pinaglalaruan ng magkabilang panig ang ating ‘judicial system’.
Bilang agarang tulong nakipag-ugnayan kami sa Prosector’s Office ng Cagayan sa tulong ng Department of Justice Action Center (DOJAC) para malaman kung sino ang ‘prosecutor’ may hawak ng kaso ito.
Ang maaring gawin ay iupo si Joan at sabihin niya sa harap ng kagalang –galang na hukom at hukuman na sila ay talagang may relasyon at walang panggagahasa na nangyari. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)
Sa gustong dumulog ang aming numero 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado
Email address: tocal13@yahoo.com