^

PSN Opinyon

Anomalya sa LWUA

- Al G. Pedroche -

MAKATUWIRAN na suspendihin ng Palasyo sa tatlong board trustees ng Local Water Utilities Administration (LWUA). Ito’y may kinalaman sa P480 milyong pondo ng bayan na ginamit sa pagbili ng isang naluluging banko. Ano ba namang klaseng investment iyan kung matatawag man na investment. Pera ng bayan isusugal mo sa na-luluging negosyo?

Ipinalabas ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr. noong Biyernes ang suspensiyon kina LWUA trustees Bonifacio Mario Pena, Susana Dumlao, at Renato Velasco. Ang nagharap ng reklamo ay si Finance Secretary Cesar Purisima sa Office of the President (OP) noong ika-6 ng Abril. Maanomalya umano ang pagbili ng shares of stock ng Express Savings Bank, Inc. (EXSBI) gamit ang salapi ng LWUA. Sa bisa nito, suspendido ang tatlo sa loob ng hindi kukulangin sa 90 araw, at magpapatuloy ito habang hindi binabawi ang preventive suspension o hanggang matapos ang administrative adjudication sa usapin.

Bilang Finance Secretary, si Purisima ang complainant laban sa mga naturang board members ng LWUA . Si Purisima rin ay isang miyembro ng Monetary Board  (MB) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nangangasiwa sa mga banko sa bansa.

Ayon kay Ochoa, hiningi ng Finance Secretary ang suspensiyon kina Pena, Argas, at Velasco, dahil isang malaking kamalian ang direkta at kusang partisipasyon ng tatlo para mailusot ang pagbili sa stocks ng Express Savings Bank na nakabase sa Laguna.

Ikinatuwiran naman nina Pena, Vargas, at Velasco na walang mali sa nangyari dahil hindi naman daw ito tinalakay sa board meetings simula nang manungkulan sila sa ahensiya. Bilang patunay, iniharap ng naturang trustees sa Legal Affairs Office ng OP ang isang sertipikasyon mula sa LWUA Corporate Legal Counsel/ Board Secretary, na nagsasaad na si Pena ay hinirang na LWUA board member noong Pebrero 10, 2010, Marso 1, 2010 naman si Vargas, at Marso 9, 2010 si Velasco.

 Supalpal naman sila kay Ochoa na nagsabing “ang hindi paggawa ng ano mang hakbang hinggil sa usapin ay nangangahulugan din ng hindi pagganap sa tungkulin.” Aniya, bilang mga miyembro ng Board of Trustees, dapat na batid nila na ang pag-bili sa shares of stock ng Express Savings Bank ay hindi makabubuti sa LWUA.

Kaya makaturungan ang kautusan ng Palasyo na patawan ng preven­tive suspension sina Pena, Dumlao, at Velasco, dahil maaaring makasagabal sa pagbusisi sa kaso ang patuloy na pananatili ng tatlo sa LWUA.

vuukle comment

BANGKO SENTRAL

BILANG FINANCE SECRETARY

BOARD

BOARD OF TRUSTEES

BOARD SECRETARY

EXPRESS SAVINGS BANK

LWUA

OCHOA

PENA

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with