NAG-UTOS ang opisina ng Ombudsman na suspindihin si Local Water Utilities Administration (LWUA) Chair Prospero “Butch” Pichay dahil sa kanyang desisyon na bilhin ng kanyang opisina ang isang bankong nalulugi.
Ayon sa kanya ang ginagawang ito ng Ombudsman ay isang political harassment. Pagganti raw ito ng administrasyon ni President Noynoy Aquino sa kanya at ilan pang mga tauhan ni Madam Senyora Donya Gloria.
Unang-una, ang nagsampa ng demanda laban kay Pichay ay hindi ang mga tauhan ni P-Noy kung hindi kanyang sariling mga tauhan sa LWUA na iligal pang nakatira sa Malacañang si Madam Senyora Donya Gloria ay nagrereklamo na dahil sa walang habas na paglaspag ng salapi ng naturang ahensiya.
Isa ho ako sa nakausap ng mga opisyal ng employees association ng LWUA. Isa ho ang LWUA Employees Association na naglakas-loob na lumabas at ibulgar ang mga iregularidad sa kanilang opisina.
Meron pa hong pailan-ilang opisina ng pamahalaan na gumawa nito pero karamihan ay nanahimik sa takot dahil lantaran naman silang ginagantihan kung pumalag sila. Isa sa opisinang hinagupit ang mga miyembro ng union noong panahon ni Madam Gloria ay ang Philippine Tourism Authority (PTA) dahil sa pagtangging makipagsabwatan.
Pero balik tayo kay Pichay, bukod sa pagtake-over ng Express Savings Bank Inc. na siguro ay trabaho ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay dapat na halukayin ang ghost projects sa pagitan ng LWUA at water districts.
Marami ang mga ito at iyan ang dapat sagutin ni Ginoong Pichay lalo na ang katanungang ano ba ang trabaho niya? Pagkaalam ko ay magbigay ng malinis na tubig sa mga malayong lugar. Ginoong Pichay, WATER, WATER, WATER hindi banko na pera, pera, pera.
* * *
Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com