^

PSN Opinyon

Bulalacao, 'bagyo' kay Bacalzo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

HINDI lang peryahan ang naglipana sa Cavite kundi pati jueteng, lotteng, jai-alai, at sakla. Naging pugad ng pasugalan ang Cavite sa ilalim ni Gov. Jun-Vic Remulla. Pero hindi lang si Remulla ang dapat sisihin dito kundi maging si Sr. Supt. John Bulalacao, ang bagong upong hepe ng pulisya. Hindi maikumpas ni Bulalacao ang kanyang kamay sa mga pasugalan dahil sa P400,000 na dahilan kada linggo. Ito palang si Bulalacao ay bagyo kay PNP chief Dir. Gen. Raul Bacalzo kaya tiyak hindi rin siya masisibak sa puwesto kahit maliwanag na pitsa lang ang nasa isipan niya nang maupo sa Cavite at hindi ang sinumpaan niyang public service.

Ganyan talaga ang PNP sa liderato ni Bacalzo. Pitsa muna bago trabaho. Ano pa ba ang bago riyan? Naibulgar ko na ang mga puwesto ng peryahan sa Cavite kung saan ang sugal na drop ball at color games ay namumugad kaya ang iba pang klaseng sugal naman ang ipararating ko kay Bulalacao. Si Kapitan Randy ang may pa-lotteng sa buong lowland ng Bacoor, Imus, Kawit, Rosario, Noveleta at Cavite City samantalang si Lita Kabayo naman ang sa Dasmariñas. Meron din niyan si Bgy. Councilor Abner Cerilo sa  San Miguel at sa Bgy. Victoria naman si Emma Garcia kapwa rin sa Dasmariñas. Ang ilan sa kabo ni Garcia ay sina Aida at Rico Motor. Si Rico Posadas naman ang may pa-bookies ng jai-alai at lotteng sa Gen. Trias at mayroon ding ganyang pasugal si Ronald Dimaano. Ang puesto pijo naman na sakla ni Jay Poblete ay matatagpuan sa Bgy. Balite sa Silang. Meron ding lotteng sa Bgy. Bulihan sa Silang sina Kapitan Kidlat at Alan Magkaisa. Si Rico Posadas ang tumatayong bagman ni Bulalacao.

O hayan, kumpleto-rekado na ang detalye ko ng pasugalan diyan sa Cavite at wala nang dahilan si Bulalacao para ilayo ang paningin niya. Kung sabagay maganda naman ang service record ni Bulalacao, na graduate din ng PMA. Nakasandal ito sa pader dahil hindi lang siya bata ni Bacalzo kundi maging ni Dir. Leocadio Santiago na hepe ng directorate for Operations ng PNP. Noong si Santiago ay NCRPO chief, si Bulalacao ang kanyang Comptroller o ingat-yaman. Naging operations chief din ng NCRPO si Bulalacao bago maging provincial director ng Cavite. Kung hindi maaaksiyunan ni Bulalacao ang mga pasugalan sa Cavite, baka madungisan ang kanyang service record. Abangan!

ALAN MAGKAISA

BACALZO

BGY

BULALACAO

CAVITE

CAVITE CITY

COUNCILOR ABNER CERILO

DASMARI

EMMA GARCIA

JAY POBLETE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with