^

PSN Opinyon

Sandigan justices nagbingi-bingihan

SAPOL - Jarius Bondoc -

SA pagkatig ng Sandiganbayan Second Division sa kuwestiyonableng plea bargain ng Ombudsman kay Maj. Gen. Carlos Garcia, tiyak nakini-kinita ng tatlong justices ang magiging ngitngit ng bayan. Kasi noon pa lang inu­usisa sa Senado at Kamara de Representantes kung bakit nakipag-plea deal si Ombudsman Merceditas Gutierrez sa plunderer na dating Armed Forces comptroller, lumitaw na ang sentimiyento ng publiko. Sa isang sarbey 83% ng respondents ang nagsabing guilty si Garcia kaya umiiwas sumagot sa mga simpleng tanong.

Dahil dito, ani ponente Justice Samuel Martires na hindi sila nagpadala sa sentimiyento publiko. Emos­yo­nal umano ito at mababaw ang pag-unawa sa mga detalye ng kaso. Samantala raw batid nila nina Justices Edilberto Sandoval at Teresita Diaz-Baldoz ang katotohanan.

Pailalim ang pasakalye ni Justice Martires. Pinalalabas na sila lang ang tama, at mali ang mamamayan. Ikinubli nito ang mga katotohanang lumabas sa maraming hearing­s sa Kongreso.

Halimbawa, may mga bagong ebidensiya ng plunder na inilahad sina Colonels George Rabusa at Antonio Ramon­ Lim, mga dating budget officer at assistant ni Garcia. Naroon din ang sadyang pagpapahina ng Ombudsman special prosecutors ng kasong plunder sa pamamagitan ng pagpresenta sa korte ng apat na dating tau-tauhan ni Garcia sa Armed Forces Finance Center para kontrahin ang testimonya ni noo’y state auditor, ngayo’y Commissioner on Audit Heidi Mendoza.

Ito ang mga rason kung bakit isa-isa umamin sa Kongre­so sina Gutierrez, mga deputies at special pro­secutors na kung dati pa nila nalaman ang mga bagong detalye, e di hindi na sana sila nakipag-plea bargain. ‘Yan ang pinagtakpan ng kustices sa kanilang desisyon.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: mailto:[email protected]

vuukle comment

ANTONIO RAMON

ARMED FORCES

ARMED FORCES FINANCE CENTER

AUDIT HEIDI MENDOZA

CARLOS GARCIA

COLONELS GEORGE RABUSA

GARCIA

JUSTICE MARTIRES

JUSTICE SAMUEL MARTIRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with