^

PSN Opinyon

Sicpa high-tech system vs smuggling

- Al G. Pedroche -

IMBES na ibasura ng gobyerno ang teknolohiya ng strip stamp system sa pagbubuwis ng sigarilyo at alak, dapat ikonsidera ang benepisyo nito para sa episyenteng re­venue collection. Ang bansang Albania ay bilib na bilib sa sistemang ito. Napatunayan na ito’y epektibo sa Brazil, Turkey at California. Sa paraang ito’y makatitiyak na tamang buwis ang binabayaran ng mga kumpanya ng alak at sigarilyo.  

Ibig i-adopt ng Albania ang strip stamp system sa pagmo-monitor ng produksyon ng sigarilyo at alak. Ang Sicpa Security Solutions SA ng Switzerland ay matagal nang aprobado sa ibang bansa na walang mintis sa pagmo-monitor ng produksyon at pagbenta ng sigarilyo at alak.

Malaon na ring inaalok ang Sicpa sa Pilipinas para makatulong sa paglikom ng mahigit P100 bilyong buwis sa loob lamang ng pitong taon. Ito raw ay foolproof at di puwedeng dayain.

Kahit ang World Health Organization  at ang mga nagtaguyod ng Global Adult Tobacco Survey (GATS) ay nirerekomenda ang sistemang ito. May sensor at stamp na ilalagay sa lahat ng pakete ng sigarilyo at iba pang gawa sa tabako para maging electronic na ang pagsubaybay sa paggawa at pagbenta ng  mga produkto.

Kasama sa mga bansang gumagamit nito ang California, Brazil at Turkey Napakadali umano nilang mapataas ang   koleksyon ng buwis at matagumpay ang kampanya laban sa tobacco smuggling.

Ilan sa mga “anti-fraud” na  katangian ng superior na strip stamp technology ng Sicpa ay ang paggamit ng holo­gram seal na ngayon ay isa ng popular na sistema para mapalagay ang loob ng mga consumer sa pagtitiyak na hindi peke ang kanilang mga binibili.

Popular din ito sa mga manufacturer dahil ito ay mura at mada­ling ilagay sa kanilang mga produkto. Napatunayan na rin na madaling makilala ng mga suki nila ang kanilang produktong kapag may hologram seal.  

Ginamit rin ng Sicpa sa strip stamp system ang Radio Frequency Identification o RFID technology para ma­ging doble pa ang pagiging mabisa nito sa pagsubaybay sa mga produkto.

Itong Sicpa ang kailangang-kailangan ng Pilipinas para sa maayos na koleksiyon ng buwis laluna sa pagsugpo sa tobacco smuggling.

vuukle comment

ANG SICPA SECURITY SOLUTIONS

GLOBAL ADULT TOBACCO SURVEY

ITONG SICPA

NAPATUNAYAN

PILIPINAS

RADIO FREQUENCY IDENTIFICATION

SICPA

TURKEY NAPAKADALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with