Ang mabuting pastol
BINABATI ko ang mga nagdiriwang ng Kapistahan ni San Isidro de Labrador (Manggagawa) sa Lucban (Pahiyas) at Sariaya (Halbutan) na pawang nasa Quezon.
Ang una at ikalawang pagbasa sa linggong ito ay kabuuan ng mga pangaral ni Pedro sa lahat ng mana-nampalataya kay Hesukristo. Pagsisihan ang kasalanan at magpabinyag sa pangalan ni Hesukristo at sa liwanag ng Espiritu Santo. Ang ating tunay na pagkilala kay Hesukristo ay nagbibigay sa atin ng kapayapaan. Ang mga pagsubok at pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkahirang sa atin ng Diyos. Tinitipan tayo ng Pastol upang panga-lagaan ang ating kaluluwa.
Ngayong panahon ng Pasko ng Pagkabuhay ay sariwain natin ang aral ni Pedro na si Hesuskristo ay nagtiis para sa atin. Maging ang Kanyang mga sugat ang nagpapagaling sa atin upang “iwan natin ang pagkakasala at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos”. Sa pag-aalaga ng Pastol sa mga tupa, ang pinaka-mahalaga ay ang pintuan ng tirahan o kulungan. Sa pagpasok at paglabas ng mga tupa ay dito masusing binabantayan ng isang tagapag-alaga o Pastol ang kalagayan ng bawat isa. Pinakikinggan ng mga tupa ang tinig ng Pastol.
Mahalaga ang pintuan. Maging sa tahanan, opisina o mga pagawaan ang lahat ay dumadaan sa pintuan. Ang hindi dumadaan sa pintuan ay mga magnanakaw. Kaya sa opisina ng mga negosyante ay madidinig natin ang usapang “under the table” na kadalasan ay naroroon na ang nakawan at dayaan. Ang mga transaksyones na ito ay hindi nagdaraan sa pintuan. Ang iba ay inilulusot sa butas ng bintana o pinadudulas sa dingding. Kaya ito ang tinatawag na “grease money”.
Ang mga tupang pumapasok at lumalabas sa pintuan ay mapayapa at malulusog. Katulad ito ng mga taong nagpapatulo ng pawis sa kanilang paggawa ay mapayapa.
Pagkabigay ng suweldo sa kanila ay tuwang-tuwa at ang unang pumapasok sa isipan ay ang pagkain sa kanyang tahanan. Subalit ang mga nagtatrabaho na ang buong isipan ay kung paano kikita ng malaki na taliwas sa batas ang palaging abala, pawisan at walang katahimikan ang puso at isipan.
Ngayon din ang “World Day of Prayer for Vocation”, ipanalangin natin ang mga nagpapari at nagmamadre.
Gawa 2:14a, 36-41; Salmo 22, 1Pedro 2:20
b-25 at Jn 10:1-10
- Latest
- Trending