^

PSN Opinyon

Biktima na nabibiktima pa

Panaginip Lang -

MASYADO tayong nababahala kapag nagkakaroon ng violation of human rights o kaya injustices sa mga criminal. Sorry, mga suspects pala ayon sa mga human rights advocates. Pero nababahala ba tayo sa mga tunay na biktima, mga ordinaryong mamamayan nating inagawan ng cell phone, dinukutan, pinasok ang tahanan, na-snatch ang relo o ang kuwintas o pilit na kinuha ang singsing. 

Napakarami ng ganoong insidente, huwag na na-ting pag-usapan ang mga mas matindi pang krimen. At karamihan sa mga ganoong kaso hindi na po nirereklamo sa pulis at pag walang report sa pulis natural libre na ang mga criminal o suspect nga pala.

Bakit nagkakaganoon? Simple lamang ho ang kasagutan, sobra ang pag-aalaga natin sa karapatan ng mga criminal. Ang sinumang nabibiktima ng anumang krimen, maliit o malaking krimen ay tuluyang magiging biktima. Sa mga nabibiktima ng kahit na ordinaryong krimen ay nakaranas na magreklamo at aabutin kayo ng siyam-siyam bago makaabot sa piskalya. 

Umpisa ka sa barangay tapos sa pulis tapos sa piskalya at hindi pa riyan matatapos dahil babalik ka pa hanggang magkaroon ng hearing. Sa barangay, pulis at piskalya, katakut takot na dokumento, sinumpaang salaysay at siyempre puwera pa ang oras na uubusin sa pagbibiyahe. Hindi ho magkakalapit ang mga lugar na iyan at uubos ka rin ng gasoline kung may sariling sasakyan at pamasahe kung wala ka. 

Puwera pa riyan ang pang-soft drinks sa pulis o barangay at siyempre sarili mong pantawid gutom at uhaw. Ninakawan ka na, pinarurusahan ka pa. Nawawala pati ang oras kaya maraming hindi nagsusuplong.

Ngayon tanong ko, sino ba ang biktima? 

* * *

Para sa anumang reaksyon, text lang sa 0949­8341929 o e-mail sa [email protected]

BAKIT

NAPAKARAMI

NAWAWALA

NGAYON

NINAKAWAN

PERO

PUWERA

UMPISA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with