^

PSN Opinyon

Pag-aasikaso ng DFA sa passport applications

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

MAGANDA ang mga hakbanging isinagawa ng Depart- ment of Foreign Affairs (DFA) para sa mas mabilis na pagproseso ng mga aplikasyon para sa pasaporte. Ito ang napag-usapan namin ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development at ng Congressional Oversight Committee on Labor and Employment (COCLE),

Ayon sa DFA, bibigyan ng one year extension ang validity ng mga expired na o malapit nang mag-expire na pasaporte ng mga aplikanteng may mga agarang biyahe. Wala umanong bayad ang naturang extension at ito ay habang hinihintay ng mga aplikante ang kanilang mga bagong electronic passport (ePassport).

Nagtalaga rin ang ahensiya ng mas mahabang oras para sa patuloy na pagproseso ng pasaporte: 8:00 a.m. – 8:00.p.m. tuwing Lunes hanggang Biyernes at 8:00 a.m. – 5:00 p.m. naman tuwing Sabado. Ang mga OFW at mga aplikanteng nangangailangan ng agarang pansin (tulad ng pagpapagamot o may pumanaw na malapit na kapamilya) ay puwedeng magpatulong sa tanggapan ng Passport Director na nasa unang palapag ng DFA-Office of Consular Affairs, Aseana Business Park, Macapagal Avenue sa Paranaque.

Pinapayuhan din ng DFA ang publiko na mag-apply ng kanilang mga pasaporte 12 linggo bago ang nakatakda nilang paglalakbay. Dagdag ng ahensiya, para sa mga karagdagang tanong at impormasyon, tumawag sa DFA-OCA sa mga numerong (02) 737-1000 at (02) 556-0000, o kaya ay mag-e-mail sa [email protected] o bumisita sa kanilang website sa www.dfa.gov.ph.

Samantala, binabati ko sina Assistant Secretary Jaime Victor Ledda (dating Consul General ng Philippine Consu-late sa Macau); Executive Director Bong Cariño (na mula sa General Santos City, ang bayan ni Mayor Darlene Antonino-Custodio na anak nina ex-Mayor Adelbert and ex-Congresswoman Luwalhati Antonino); at ang mga staff ng DFA na sina Tina Dantes, Gigi Abad at Juancho Rillo.

Silang lahat ay avid readers ng aking kolum.

ASEANA BUSINESS PARK

ASSISTANT SECRETARY JAIME VICTOR LEDDA

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

CONGRESSWOMAN LUWALHATI ANTONINO

CONSUL GENERAL

DFA

EXECUTIVE DIRECTOR BONG CARI

FOREIGN AFFAIRS

GENERAL SANTOS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with