MAGULONG usapin ang ‘di pagbabayad ng milyones na pagkakautang ng Land Transportation Office (LTO) sa Stradcom Corp. na siyang nagsasagawa sa compu-terization ng LTO.
Ayon kina House transportation committee chairman Rep. Roger Mercado at Rep. JV Ejercito: dapat bayaran ng LTO ang Stradcom na pinamumunuan nina dating Finance Sec. Bobby de Ocampo (Chairman) at Cesar Quiambao (President). May ibang nagki-claim ng poder sa Stradcom. Kamakailan, dinampot ng mga pulis ang isang Jer Samson na nagpanggap na corporate secretary ng Stradcom. May bitbit na “pekeng” General Information Sheet (GIS) ng kumpanya sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Siya ay inisyuhan ng arrest warrant ni Quezon City MTC Judge Juris Callanta matapos makita ng QC Prosecutor’s Office na may probable cause para sa kasong falsification of public document.
Hirit ni Samson: nagkaroon ng special stockholders’ meeting ang Stradcom at nahalal daw na board chairman si Aderito Yujuico at presidente naman si Bonifacio Sumbilla. Sina Sumbilla at Yujuico ang nanguna sa marahas na takeover bid sa Stradcom noong Disyembre 9, 2010.
Pumanig si LTO chief Virginia Torres kina Sumbilla at Yujuico kaya napilitan ang Department of Justice (DOJ) na irekomenda ang suspensyon ng LTO head. Bago pa matanggal si Torres, binalewala niya ang tatlong memorandum ng DOTC na nag-utos na huwag ipitin ang bayad ng LTO sa Stradcom mula pa noong nakaraang Oktubre.
Sa pag-aaral ng Quezon City Prosecutor’s Office satunay na GIS ng Stradcom mula 2005 hanggang 2010, ang grupo nina de Ocampo at Quiambao ang nagmamay-ari sa Stradcom.Kaya dapat nang maglubay sa pagbulabog sa isyu ang grupong Road Users’ Protection Advocate (RUPA) na nagsampa ng reklamo sa Ombudsman laban sa pumalit kay Torres sa LTO, si Assec. Raquel Desiderio, at sa Stradcom. Ipinipilit na huwag bayaran ng LTO ang Stradcom gayung tama at sinusunod lang ni Deside-rio ang utos ng DOTC LTO na bayaran ang Stradcom.
Ang administrasyon ay hindi dapat maging “balasubas” dahil pangit na senyales ito sa mga mamumuhunan. Itinatama lang ni Desiderio ang mali tulad ng pagka-arogante at mala-diktador ni Torres noong ito pa ang hepe ng LTO. Kung may dapat kasuhan diyan, walang iba kundi sina Torres, Sumbilla at Yujuico.