^

PSN Opinyon

'Sagupa sa Kasag' (Huling bahagi)

- Tony Calvento -

NUNG MIYERKULES, itinampok ko ang kwento ni Carmelino Bachoco. Idinetalye ko ang kanyang istorya base sa salaysay ng nabuhay na kasama ng biktima na si Rally Belgira.

Si Rally ay nakaligtas matapos siyang tamaan ng bala sa tyan. Siya ay nagkubli sa hindi kalayuan at dun nakita niya umano kung paano paulit-ulit na binaril ang kanyang amo na si Carmelino.

Pinangalanan niya ang mga sangkot na sina Peter Paul Cabangal habang ang nagmamaneho ng motor ay si Carlo Cabangal, parahong anak ni Mayor.

Kasama pa si Jerson Cabangal at pamangkin na si Eduardo alyas “Tata”.

Pinagtigbay naman ang testimonya ni Rally ni Edgardo Espejo, manugang ni Carmelino ng sinalaysay niya na sinabi sa kanya ni Carmelino sa isang ‘ante mortem statement’ o ‘dying declaration’ umano na nagsasabing “Si Pol-pol ang ikaduwa bata niya” (Si Pol-pol ang pangalawang anak niya). Ang Pol-pol na tinutukoy niya ay walang iba kundi si Peter Paul Cabangal.

Ang kaso ay pinamamahalaan at iniimbestigahan ng taga-usig na si Provincial Prosecutor Ronel Sustituya upang mapabilis ang paglabas ng resolusyon dahil higit na sa isang taon tumagal ang kasong ito. 

Nakapanayam namin si Prosec. Sustituya at siya’y nangako na ilalabas ito bago mag-‘Holy Week’.

Tinupad niya ang kanyang pangako. Matagal na din kaming nagbabasa ng resolusyon ng ibang Prosecutors. Aaminin ko na ngayon lang ako nakakita ng napakahabang resolusyon gayong ‘probable cause’ lang ang hinahanap sa ‘Preliminary Investigation’.

‘HOMICIDE’ ang ‘findings’ nitong si Prosec. Sustituya.

Sumunod na nagpunta sa amin si Emily Bachoco, anak ni Carmelino at si Cecilia Simeona kapatid ni Carmelino. Dala nila ang pinag-isang resolusyon ni Prosec. Sustituya

Matapos naming basahin ang resolusyon, may mga ilang bagay na gumulo sa aming isipan. Karamihan sa mga sinasabi niya ay dapat sa malawakang paglilitis pinag-uusapan subalit iba itong si Prosec. Sustituya sobrang sipag niya. Reklamo, kontra salaysay, reply, ‘clarificatory questioning’, ‘ocular inspection of the scene of the crime, lahat ng ito ginawa niya hanggang matapos ang resolusyong ito. Wala siyang pinalagpas sa kagustuhan niyang maresobla ang kasong ito.

May mga ilang bagay kaming napuna.

Una, tungkol daw sa baril na nakuha sa kanang kamay ni Carmelino. Ayon kay Prosec. Sustituya “It is also logical that the firearm would be on the right hand of Carmelino Bachoco Jr. considering the injuries on his left hand which according to Dr. Owen Jaen Lebaquin, would completely disable the left hand,”. 

Paano mo naman nasisiguro na siya nga ang nagpaputok? Hindi ba maari na matapos mangyari ang insidente habang nakabulagta na si Carmelino may ibang nagpaputok nito para palabasin na nagkaroon ng palitan ng putok?

Ang isa pang nakakapagtaka dito ang baril ay nakita na hawak ng kanang kamay ni Carmelino. Tumestigo pa nga si PO3 Reny Frias ng kunin daw niya ang baril sa kanang kamay ni Carmelino. Kinailangan pa nyang tapakan ang kamay nito para kunin ang baril.

Isa lang ang problema sa lahat ng yan Prosec. Sustituya. ‘Left handed’ o kaliwete itong si Carmelino. Kung siya’y magpapaputok ng baril kaliwang kamay ang gagamitin niya. Ay oo nga pala! Tadtad ng bala ang kaliwang kamay ni Carmelino kaya hindi pwede itong itanim doon.

Ang tama sa kaliwang kamay ay maaring tawaging ‘defense wound’ kapag ikaw ay kaliwete natural lamang na ang una mong ipangpoprotekta sa iyong sarili ay ang iyong ‘strong hand’. Ito ang dahilan kung bakit maraming tama ng bala ang kanyang kaliwang kamay. Kung siya din naman ay puputok ng baril ang normal na gagamitin ni Carmelino ay ang kanyang kaliwang kamay. Bakit ang baril ay nasa kanang kamay? Hindi mo ba naitanong Prosec? Sa haba ng imbestigasyon na ginawa mo hindi mo manlang naitanong kung kaliwete ba ito o kanan?

Isang babala. Mag ingat ka Prosec. Sustituya. Kinakabahan ako baka habang binabasa mo ang pitak na ito lumabas ang kanang kamay ni Carmelino at tampalin ka sa magkabilang pisngi mo. Sana naman huwag. 

Tungkol naman daw sa salaysay ni Rally na nung siya’y nagtatago sa halamanan, hindi siya agad tumingin at hindi napagmasdan ang mga sumusunod na pangyayari at nakita si Mayor Cabangal.

Paano daw nakarating si Mayor doon? Naglakad? Tumakbo? o nakasakay sa sasakyan? Hindi daw iyon masagot ni Rally.

Utang na loob naman Prosec. Sustituya ang mga ‘minor details’ na yan ay hindi importante sa Preliminary Investigation.

Sa usapin naman tungkol kay Mayor Cabangal na meron daw itong tama ng bala sa paa pati ang anak din nito na si Jerson ay may tama. Sa dami ng balang pumutok hindi kaya maaring tinamaan sila ng talsik ng bala o ‘ricochet’? Napansin ko din na inilagay mo ang ‘punctuation mark’ na (?) matapos mong sabihing ‘gunshot? wound’ sa paa ni Mayor Cabangal, miski ikaw may alinlangan kung ito’y sugat na nanggaling sa bala ng baril.

Isang hirit na lamang Prosec. Sustituya. “Nonetheless, the prosecution cannot rely on the weakness of the defense. It is an old and well settled rule of the courts that if the plaintiff, upon whom rests the burden of proving his cause of action, fails to show in a satisfactorily manner the facts upon which he bases his claim, the defendant is under no obligation to prove his exception or defense. The prosecution evidence must stand or fall on its own merit, it cannot draw strength from the weakness of the defense. The accused, under the constitution has the Right to be Presumed Innocent,”.

Wow! Ang galing mo! Ilang beses ba dapat ulitin dito sa Prosec. na ito na ‘probable cause’ lang ang hinahanap sa isang Preliminary Investigation. Ang mga binabanggit mo na yan ay para sa malawakang paglilitis kung saan ang isang akusado ay maari lang mapatawan ng ‘guilty verdict, ito’y dapat na mapatunayan sa isang paglilitis na ‘beyond reasonable doubt’ o walang kaduda duda na ginawa nga niya ang krimen. Hah! Judge, justice, magistrate Sustituya! Naiintindihan mo ba ako?

Dahil hindi matanggap ng mga partido ni Bachoco ang pagkababa mula sa Murder papunta sa Homicide nitong Prosec. na ito, pinayuhan namin sila na maghain ng Motion for Reconsideration’. Kapag na ‘deny’ ito hindi naman doon natatapos ang lahat dahil maari silang magpunta sa tanggapan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila De Lima para humiling ng ‘Petition for Review.

PARA SA ISANG PATAS NA PAMAMAHAYAG inaanyayahan namin ang lahat ng pangalang nabanggit sa seryeng ito para makuha ang kanilang panig at mailathala dito sa CALVENTO FILES.

Ang aming programa sa radyo ay bukas sa anumang talakayan para sa mga complainants na walang kakayahang magpunta sa aming tanggapan. I-text niyo lamang sa mga numerong 09213263166 o sa 09198972854 at sasagutin namin on-air ang inyong problema. Ang landline 6387285 at ang aming 24/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

* * *

Email address: [email protected]

vuukle comment

CARMELINO

KAMAY

LSQUO

NIYA

PROSEC

SUSTITUYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with